Tukuyin kung anong pagpapahalaga ang isinasaad sa mga sumusunod na pangungusap.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa unahan ng bawat bilang.
A. Pagpapahalaga sa Teritoryo D. Pagpapahalaga sa Pagkakaisa
B. Pagpapahalaga sa Kapwa Pilipino E. Pagpapahalaga sa Relihiyon
C. Pagpapahalaga sa Kalayaan
______1. Matatag ang pananalig ng mga Pilipinong Muslim sa kanilang pananampalatayang Islam kung kaya hindi sila nasakop ng mga Kastila.
______2. Dulot ng pangangamkam ng mga prayle sa lupain ng mga Agraryo sa Katagalugan, napilitang lumaban ang mga magsasaka. Gumamit sila ng armas sa pakikipaglaban. Hindi nagtagumpay, bagkus ay walang lupang naibalik sa mga magsasaka.
______3. Handang ipaglaban ng mga Muslim ang kanilang teritoryo, upang hindi sumailalim san ng mga dayuhan.
______4. Si Diego Silang ay isa sa mga Pilipinong lumaban sa mga Kastila. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, pinalitan niya ng mga karapat-dapat na Ilokanong sibil at opisyal-militar na mamuno.
______5. Dahil sa pag-alsa ni Lapu-Lapu kasama ang mga katutubo sa Mactan hindi nasakop ng mga Espanyol ang isla.
Answers & Comments
Answer:
1.E Pagpapahalaga sa Relihiyon
2.D Pagpapahalaga sa Pagkakaisa
3.A Pagpapahalaga sa Teritoryo
4.B Pagpapahalaga sa Kapwa Pilipino
5.C Pagpapahalaga sa Kalayaan