Tukuyin kung ano aspekto ng pandiwang may salungguhit.
Isulat sa patlang kung ito ba ay nasa aspektong NAGANAP, NAGAGANAP o MAGAGANAP. Paalala: Hindi kailangan isulat ang sagot
sa sulatang papel subalit kailangan alamin ang mga kasagutan nito.
1. Si Aliyah ay nagbabasa ng pahayagan. - ____________________
2. Nanood kami ng nakakatuwang palabas. - ____________________
3. Sasabihin ko na ang buong katotohanan. - ____________________
4. Nasira ang kompyuter ng pamilya Reyes. - ____________________
5. Umiiyak kami habang nanood ng sine. - ____________________
Answers & Comments
Answer:
NAGBABASA— NAGAGANAP
NANOOD— NAGANAP
SASABIHIN— MAGAGANAP
NASIRA— NAGANAP
UMIIYAK— NAGAGANAP