Questions


December 2021 1 4 Report
Tuklasin:
Basahin ang mga sumusunod na pag-uusap o diyalogo tungkol sa panonood ng mga palabas sa telebisyon na may karahasan.
Sågutin ang mga tanong pagkatapos nito
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pag-uusap o diyalogo tungkol sa panonood ng mga palabas sa telebisyon na may
karahasan. Sagutin ang mga tanong pagkatapos nito.
Ang Panggagaya ni Claro
ni: Juliet S Demabildo
Naglalaro si Claro at ang nakababatang kapatid ng baril-barilan tulad ng mga napapanood sa telebisyon nang biglang dumating si Elisa
mula sa tindahan.
Claro: Elisa, ang ganda ng napanood ko kagabi. Sayang at natulog ka na. Hindi mo ito napanood. Ito ay tungkol sa mga pulis at sundalo na
nakipaglaban sa mga rebelde. Mahusay talaga silang gumanap. Ang mga effects na ginamit ay parang makatotohanan. (Habang kinukwento ni
Claro ang napanood ay ginagaya niya ang mga kilos ng mga pulis at sundalo na nakipaglaban sa mga rebelde.)
Elisa: Naku! Claro, hindi ba't bawal tayong manood ng mga palabas na may karahasan? Lalo na ang baril-barilan. Hindi ito angkop sa ating mga
bata. Hindi ba't may paalala ang ating gobyerno bago magsimula ang mga palabas sa telebisyon? Maaaring makasama ito sa iyo at sa
nakababatang kapatid natin.
Claro: Paano naman ito makasasama sa akin? Ang ganda nga ng palabas. Matututo pa ako magsalita ng Ingles. Talagang gagayahin ko sila.
Elisa: Hindi mo ba napansin na ginagaya mo kung ano ang napapanood mo sa pelikula? Kita mo ang kapatid natin, akala niya ay tama at mabuti
ang inyong ginagawa. Ginagaya ka niya at matatak sa kanyang utak na ang karahasan ay isang mabuting gawain. Kaya iwasan mo ng manood
ng mga ganyang uri ng palabas. Hindi iyan nakabubuti sa iyo. Nakalagay naman sa ibabang bahagi ng telebisyon kung ito ay SPG o Istriktong
Patnubay ng Magulang ang kailangan o PG o iyong Patnubay ng Magulang ang kailangan o di kaya ay Go para sa lahat ng manonood.
Claro: Hayaan mo Elisa, sa susunod ay hindi na ako manonood ng mga palabas na may karahasan. Ang panoorin ko nalang ay iyong magandang
palabas na mayroon akong matutunan. Salamat sa iyong paalala!
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel o kwaderno.
1. Sino ang dalawang taong nag-uusap?
2. Ano ang ginagawa ni Claro at nakababatang kapatid nito nang dumating si Elisa?
3. Ano ang payo ni Elisa kay Claro?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.