Questions


October 2022 1 0 Report
Tuklasin
Basahin ang maikling kwento at sagutin ang ilang mga katanungan na
makatutulong para lalong maunawain ang nilalaman ng modyul na ito.
ANG MASARAP NA SANGKAP NI RITA
May isang payak na mag-anak ang masayang naninirahan sa isang
liblib na bayan sa Leyte. Isang araw, ang ina ng mag-anak na si Aling Nena
ay dumating galing sa palengke dala ang mga sangkap na kanyang nabili na
gagamitin sa pagluluto ng paboritong pagkain ng mag-anak, ang sinigang na
baboy. Tinawag ni Aling Nena ang kanyang anak na babae na si Rita at
inutusan na ihanda ang mga sangkap na kanyang lulutuin. Ginawa agad ni
Rita ang ipinag-uutos ng ina, hinugasan niya ang mga sangkap tulad ng
karne ng baboy at mga pampalasa gaya ng sampaloc, kamatis at okra. Hiniwa
niya ang mga ito ayon sa hugis at laki nito. Siniguro niya na malinis ang lahat
ng sangkap bago ito lutuin dahil sabi ng kanyang ina, "Mas masarap ang mga
sangkap ng pagkain kung malinis ang paghahanda at paghahain". Masaya
ang ina ni Rita dahil marunong na itong maghanda ng mga sangkap sa
pagluluto ng sinigang na baboy.
Sagutin:
1. Anong uri ng putahi ang planong ihanda ni Aleng Nena para sa
kanyang pamilya?
2. Sino ang inutusan ni Aling Nena para lutuin ang putahing ihahanda
sa mag-anak?
3. Anu-ano ang mga sangkap na pinamili ni Aling Nena sa palengke?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.