Tuklasin Panuto: Basahin at intindihin nang mabuti ang tula at sagutin ang mga sumusunod Ang Aking Panalangin Orihinal na sulat ni Juliet Langas Lim, 2021 na tanong Panalangin ko sa Diyos buhay mo ay pagpalain, Sa araw-araw ikaw ay Kanyang gabayan, At maging matibay sa bawat laban ng buhay, Walang humpay na tagumpay ang aking alay. Ang pandemyang Covid-19 ay sadyang takot ang dala sa atin Lahat ng hindi maganda ay naiisip na sadya, Ngunit aking inaalala ang Diyos na mapagpala, Kahit tayo'y nawawalan ng pag-asa lagi Siyang handa. Sa oras na sa akala natin na tayo ay kinalimutan na, Biglang kong naiisip ang Diyos ay mapagpala at mapagmahal pala, Ang tangi Niyang hiling ay ang aking panalangin, Kasama ka sa aking munting hiling, Sa aking murang isip wala akong kayang gawin, Na makakatulong kundi ang aking panalangin, Na sa bawat hambalos ng buhay sa atin, Kalakasan Niya ang ating sandigan. Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel. 1. Ano ang mensahe ng tula? 2. Batay sa tula, ano ang naging epekto sa atin ng pandemya? 3. Mahalaga ba ang pananalangin? Bakit? 4. Ano ang maganda dulot ng pagdarasal para sa sarili, pamilya at kapwa? 5. Sa tuwing ikaw ay nagdarasal, ano ang mga ipinagdarasal mo?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.