Tuklasin Gawain 2: Gawa mo, Aral ko Panuto: Basahin ang seleksyon at alamin ang aral na ipinahihiwatig nito. Sagutin ang tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Si Lisa ay nasa ikawalong baitang na ng mataas na paaralan. Sa kanyang edad, mulat na siya sa kahalagahan ng kanyang kapwa. Naunawaan niya na may kaugnayan sa kanyang buhay ang lahat ng tao sa kanyang paligid. Magmula sa kaniyang magulang na nagturo sa kaniya ng kahalagahan ng pagmamahal, pagtutulungan sa kaniyang pamilya, at sa kanyang kapwa. Mula naman sa kaniyang mga lolo at lola, natuto siyang pahalahagan at ingatan ang mga pinagkukunan ng yaman ng bansa at kung paano wastong ginagamit ang mga ito. Sa mga pinuno sa komunidad nalaman niya ang mga batas na umiiral at ang epekto nito sa kaayusan ng lipunan at paano nito napapangalagaan ang mga karapatang pantao. Sa kanyang mga guro naman sa iba't-ibang asignatura ay lalong umunlad ang kaniyang kaisipan alam niyang magagamit sa kanyang pagtamo sa kanyang mga pangarap. Anupa't lahat ng kaniyang kapwa ay kaniyang pinapahalagahan sapagkat tayo ay may pananagutan na magtulungan at magmahalan bilang tanda ng ating pagkatao.


1. Ano-anong tulong ang nakukuha ni lisa sa kanyang kapwa.


2. Bakit mahalaga kay lisa ang mga pagtulong na ito.


3. Masasabi mo bang mahalaga ang mga pagtulong na ito para din sa iyong buhay? Bakit? ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.