Tuklasin
Basahin at unawaing mabuti ang nakalap na ulat. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Mga Tanong: Pinatinding Kampanya sa Kaligtasan at Kalinisan sa Barangay 430 Zone 44 sa Maynila Upang maiwasan ang paglaganap ng sakit, nagkaroon ng proyekto ang barangay na pinangalanang "Sagot Ko: Tapat at Paligid ng Bahay Ko," na ipinag-uutos sa lahat na panatilihing malinis hindi lamang ang tapat at paligid ng bahay kundi pati ang loob na rin. Bukod sa kalinisan, pinaigting na rin ang seguridad sa barangay sapagkat marami na ang nananakawan dahil naging aktibo na naman ang "Akyat Bahay Gang". Nagtalaga ang barangay ng mga kagawad na magbabantay sa loob ng 24 oras. Sinomang makakita ng mga kahina- hinalang tao ay dapat ipagbigay-alam sa barangay. Dagdag pa rito, nagtalaga ang konseho ng barangay, na inaprubahan ng mga miyembro, na dapat sundin ang curfew na 10:00 ng gabi para sa kabataang 18 taong gulang pababa upang maiwasan ang kaguluhan sa kalsada. Ipinaaalaala ng Kapitan ng Barangay na si Jose de Jesus na magkampanya ang mga kabarangay niya upang mapalaganap ang alituntuning ito na batas na ring maituturing ng barangay.

1. Ano ang kampanya ng Barangay 430 Zone 44 sa Maynila?

2. Ano-ano ang pinag-uutos ng bagong programa ng barangay? Magbigay ng lima nito.

3. Ano ang nagbunsod sa pamunuan ng barangay na magpatupad ng curfew para sa kabataang edad 18 pababa?

4. Paano ka makatutulong sa kampanyang ito?

5. Kung mayroong ipinatutupad na batas sa iyong barangay susundin mo ba ito? Bakit?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.