Tuklasin Ang sanhi ay isang pangyayari na maaaring humantong sa isang bunga. Halimbawa, narinig mo ang sirena ng trak ng bombero. Ano ang maaaring bunga ng sirenang ito? Isang maaring mangyari ang ikagulat at ikabahala ang sirenang narinig. Kaya ang naging bunga ng sirena sa iyo. ay nagulat at nabahala ka. May palatandaang salita o pahayag na karaniwang ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakaroon ng sanhi at bunga: kaya, kaya naman, dahil sa, dahil dito, buhat nang, bunga nito, tuloy, sapagkat, pagkat. Ang mga salita o pahayag na ito ay tinatawag ding mga pang-ugnay. Halimbawa: Naranasan ni Pangulong Manuel L. Quezon na sa sarili niyang bansa ay hindi sila nagkakaintindihan ng mamamayan, gumawa siya nang hakbang at isang ahensya na mag-aaral ng magiging batayan ng wikang pambansa at ito ay ang Surian ng Wikang Pambansa
Sanhi: Naranasan ni Pangulong Manuel L. Quezon na sa sarili niyang bansa ay hindi sila nagkakaintindihan ng mamamayan
Bunga: gumawa siya nang hakbang at isang ahensya na mag-aaral ng magiging batayan ng wikang pambansa Paano mo masasabing ang mga pahayag ay sanhi o bunga? Ipaliwanag.
Answers & Comments
Answer:
naranasan ni pangulong Manuel L. Quezon na sa sarili niyang bansa ay hindi sila nagkakaintindihan ng mamamayan
Explanation:
gumawa siya nang hakbang at isang ahensiya na mag aaral ng magiging batayan ng wikang pambansa