Tuklasin
Ang kalikasan ay biyayang galing sa ating Panginoon. Ito ay ang tanging yaman na
dapat nating lahat pangalagaan dahil dito nakasalalay ang ating buhay.
Panuto: Basahin ang tula sa ibaba. Tuklasin kung paano natin maipapakita ang
tapat na pangangalaga sa kapaligiran.
Ang Ating Kalikasan
ni Pilsen Kate E. Advincula
Ang ganda ng ating kalikasan
Kagandahan na tayong lahat ay gustong masaksihan
Para sa kinabukasan nating mga kabataan
Kaya’t ating lahat na sikaping pag-ingatan.
Kapaligiran natin ay panatiliing ligtas
Mula sa maliit na insekto hanggang sa agilang matalas;
Gubat ng yaman sa bundok matatagpuan
Dapat nating protektahan, magpakailan pa man.
Ang silbi ng kagubatan ay hindi matatawaran
Nakasalalay ang kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan
Tirahan ng mga ibon, hayop, puno, at mga halaman
Sariwang hangin binibigay, dulot ay katiwasayan ng isip at kasaganaan.
Asul at malawak na karagatan
Sa malalaki at maliliit na isda mayaman
Sariwang pagkaing-dagat at pangkabuhayan
Lahat ng ito’y ating makakamtan.
Ang pagbabagong inaasam asam
Kung nais nating lahat makamtan
Kapaligiran, kalikasan halina’t pagandahin
Wag maging sakim at ito’y wag abusuhin.
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Pagkatapos, sagutin ang mga
tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Bakit kailangang ingatan ang kalikasan?
2. Bakit maituturing na gubat ng yaman ang kabundukan?
3. Ano ang kabutihang naidudulot ng hanging malinis at sariwa?
4. Paano mo maipapakita ang tapat na pangangalaga sa kapaligiran?
Nons report
Answers & Comments
QUESTIONS
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Answer:
1. Dahil, nakasalalay ang kaligtasan ng kapaligiran at kalikasan ng mga Pilipino.
2. Dahil, ang yaman ng kalikasan sa kapaligiran at kagubatan ay matatagpuan dito sa bundok.
3. ang kagan-dahan dulot ng kalikasan ang sariwang hangin Sa kapaligiran.
4. Alagaan,ang kalikasan liaising ang kapaligiran at kagubatan para maging maganda,malinis at Sariwang hangin sa kapaligiran at kagubatan.
Explanation:
SANA MAKATULONG PO
Answer:
upang magkaroon ng katiwasayan sa buhay