Tiyakin 1:
1. Ano ang estado
2. Bakit mahalaga ang mga mamamayan ng isang estado?
3. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng isang estado
Tiyakin 2:
1. Ano ang kaibahan ng bansa sa estado?
2. Ang malayang bansa ba ay tinuturing na estado?
3. Ano ang pinakamahalagang kapangyarihan ng malayang bansa?
4. Bakit kailangang magkaroon ng dalawang uri ng soberanya ang ating bansa?
a. panloob na soberanya (internal sovereignty)
b. panlabas na soberanya (external sovereignty)
5. Bakit itinatalaga ang kapangyarihan pampulisiya ng estado sa lokal na pamahalaan?
6. Bakit kailangan ang soberanya para maging malaya ang bansa?
Tiyakin 3:
1. Ano ang bahagi ng ating bansa ang ipinagtatanggol ng sumusunod?
a. Hukbong Himpapawid (Philippine Air Force)
b. Hukbong pandagat
2. Bakit kailangang ipagtanggol ang soberanya ng ating bansa?
3. Paano ito isinasagawang ating pamahalaan?
Answers & Comments
Answer:
Tiyakin 1
1. Ang himansaan o estado ay isang uri ng kaayusan ng pamahalaan na binubuo ng isang pamayanang pampolitika na nakatira sa ilalim ng iisang sistema ng pamahalaan
2. ang pagtatatag ng kaayusan at seguridad; ang mga pamamaraan nito, ang mga batas at ang kanilang pagpapatupad; teritoryo nito, ang lugar ng hurisdiksyon o mga hangganan ng heograpiya; at sa wakas sa pamamagitan ng soberanya nito.
3.Dahil ang mamamayan ay isa sa mga elemento na taglay ng isang estado at saka kapag walang mamamayan walang nasasakupan at walang estado
Tiyakin 2
1. Ang bansa ay may mga pangkat ng mga tao sa ilalim ng isang pamahalaan ngunit walang soberanya. Ang estado ay may pamahalaan,teritoryo,soberanya at kinikilala ng ibang bansa.
2. Oo, dahil ang isang estado ay bansa o teritoryo na nasa ilalim ng isang pamahalaan
3. Ito ay ang soberanya o ang karapatang mamahala ng sariling mamamayan nito sa kaniyang bansa
4. Mahalaga ang dalawang uri ng soberanya dahil ito ay isang kapangyarihan ng isang estado na magpatupad ng mga batas sa kaniyang nasasakupan.
a.Soberanyang panloob (internal sovereignty) ang tumutukoy sa
kapangyarihan ng bansa na magpasunod sa lahat ng taong naninirahan
sa teritoryong nasasakupan nito
b.soberanyang panlabas (external sovereignty) ang tumatalakay sa
kalayaan ng estado sa pagtataguyod ng lahat ng gawain at naisin ng
bansa tungkol sa pamumuhay ng kanyang mamamayan na hidi
pinakikialaman ng ibang bansa
5. Dahil sila ang mas nakakaalam sa sitwasyon sa kanilang lugar
6. Mahalaga ang soberanya upang opisyal na matawag na malaya ang bansa pagkat ang soberanya ay nangangahulugang may kakayahang pumunuan ng isang bansa ang sariling teritoryo at di ito nangangailangan ng tulong mula sa sinuman o anumang bansa.
Tiyakin 3
1.
a. Sila ang nangangalaga ng katahimikan ng ating papawirin at nagbabantay sa maaaring panganib na darating sa ating bansa.
b. Sila ang mga bantay-dagat na nagpapatrolya sa ating mga karagatan upang matiyak na walang makakapasok ng mga dayuhan sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.
Tinitingnan nila ang mga pumapasok na kontrabando sa ating bansa.
2. kailangan ipagtanggol ng ating pamahalaan ang ating teritoryo upang mapangalagaan ang kanyang mamamayan na siyang bumubuo sa isang bansa upang mapanatili ang mapayapang bansa at upang maging maayos ang pamumuhay ng ating bansa dahil kapag hindi ito binantayan ito ay aangkinin ng ibang bansa at dito na magsisimula ang awayan ng bawat bansa.
3. maging responsableng mamamayan. makialam. ipaalam sa mga kinauukulan ang mga ilegal o kaya'y kadudadudang gawain sa inyong lugar lalo na ng mga dayuhan