Answer:Nang ang mga mamamayan ng kaharian ng Kembayat ay mabilis na nagtatakbuhan upang magtago mula sa ibong Garuda, nahiwalay ang sultana sa sultan. Nang dahil sa takot ay nanganak ang sultana na sa panahong iyon ay nagdadalantao, ngunit naiwan rin ng sanggol sa bangka sa ilog nng dahil sa parehong rason.
Napulit ni Diyuhara ang sanggol at kinupkop ito at pinangalanang Bidasari.
Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay may asawang nagngangalang Lila Sari. Mapanibughuin si Lila Sari. Lubos na ikinabahala niya ang sagot ng sultan nnag ito ay tanungin niya tungkol sa pagmamahal nito sa kaniya. Anang sultan, kung may mas maganda sa kaniya ay hindi na siya mamahalin nito, ngunit siya raw ang pinakamaganda. Inutusan ni Lila Sari ang mga matapat niyang kabig na saliksikin ang kaharian. Nahanap naman ng mga ito ang napakandang si Bidasari.
Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang di-umano ay gagawing dama ng sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ni Lila Sari sa isang gilid at doon pinarurusahan. Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag araw, ito'y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi'y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay. Pumayag si Lila Sari kaya't si Bidasari ay nakaburol kung araw at muling nabubuhay sa gabi. Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng isang magandang palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.
Isang araw, nang ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat, nakita niya ang nasabing palasyo. Pinasok niya ang mga silid. Nakita niya ang isang napakagandang babae na natutulog. Hindi niya magising si Bidasari. Umuwi si Sultan Mongindra na hindi nakausap si Bidasari. Bumalik ang sultan kinabukasan. Naghintay siya hanggang gabi. Kinagabihan ay nabuhay si Bidasari. Nakausap siya ni Sultan Mongindra. Ipinagtapat ni Bidasari ang mga ginawa ni Lila Sari. Galit na galit ang sultan. Iniwan niya si Lila Sari sa palasyo at agad na pinakasalan si Bidasari. Si Bidasari na ang naging reyna.
Samantala, pagkaraan ng maraming taon, ang tunay na mga magulang ni Bidasari ay matahimik nang naninirahang muli sa Kembayat. Nagkaroon pa sila ng isang supling. Ito'y si Sinapati. Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati. Si Sinapati ay kamukhang-kamukha ni Bidasari. Kinaibigan nito si Sinapati at ibinalita ang kapatid niyang si Bidasari na kamukhang-kamukha ni Sinapati. Itinanong ni Sinapati sa mga magulang kung wala siyang kapatid na nawawalay sa kanila. Pinasama ng ama si Sinapati sa Indrapura. Nang magkita si Bidasari at Sinapati ay kapwa sila nangilalas dahil sa silang dalawa ay magkamukhang-magkamukha. Natunton ng Sultan ng Kembayat ang nawawala niyang anak. Nalaman ng sultan ng Indrapura na ang kanyang pinakasalang si Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa.
Explanation:
1 votes Thanks 0
hanna1335
thank you i hope im correct with the answer
Answers & Comments