Tinanong ka ng iyong Tiya Rosie kung ang inyong pamilya ay nagpalista para sa mga nais magpaturok ng bakuna laban
sa COVID-19. Napag-usapan na ito ng inyong pamilya at nagdesisyon nga kayo na magpaturok. Naipalista na kayo ng iyong
Nanay sa barangay noong nakaraang araw. Nagbabala ang iyong Tiya Rosie at sinabing mapanganib ang mga maaaring maging
dulot ng bakuna sa kalusugan kung kaya hinikayat ka niyang sabihin sa iyong mga magulang na huwag na lamang
magpabakuna. Paano mo maipakikita ang paggalang sa suhestiyon o ideya ng iyong Tiya Rosie habang ipinaliliwanag sa kanya
na buo na ang desisyon ng inyong pamilya?