Questions


October 2022 1 7 Report

[tex]Si Aamir ay labing-apat na taong gulang na labis ang pagnanais na masama sa isang camping. Nangako sa kaniya ang kaniyang ama na papayagan siyang sumama kung siya ay makalipon nang sapat na pera para rito. Dahil dito, labis ang naging pagsisikap ni Joe sa pagtitinda ng diyaryo. At naipon ang sapat na halagang kailangan para sa camping at may kaunti pang halaga na natira para panggastos para sa kaniyang sarili. Ngunit nagbago ang isip ng kaniyang ama bago dumating ang araw ng kanilang camping. Ang ilan sa kaniyang mga kaibigan ay nagpasiyang mangisda sa ibang lugar. Kapos ang pera ng kaniyang ama upang ipanggastos sa pangingisda. Kaya, kinausap niya si Aamir upang hingin dito ang perang kaniyang naipon para sa kaniyang camping. Iniisip ni Aamir na tumanggi na ibigay sa kaniyang ama ang kaniyang naipong pera.[/tex]


Mga tanong:

A. Dapat bang tumanggi si Aamir na ibigay ang kaniyang naipong pera sa kaniyang ama? Pangatwiranan ang sagot.

B. May karapatan ba ang ama ni Aamir na hingin ang perang naipon ng kaniyang anak na si Aamir? Pangatwiranan.

C. Ang pagbibigay ba ng perang naipon ni Aamir ay maaaring maging sukatan ng pagiging mabuting anak? Ipaliwanag ang sagot.

D. Ang ideya ba na si Aamir ang nag-ipon ng pera ay mahalaga sa sitwasyong ito? Pangatwiranan.

E. Nangako ang ama ni Aamir na kapag nakaipon siya nang sapat na pera ay maaari siyang sumama sa camping. Ang ideya ba na nangako ang ni Joe sa kaniya ang pinakamahalaga sa sitwasyong ito? Bakit? ama

F. Sa kabuuan, bakit mahalagang tuparin ang isang pangako?

G. Mahalaga bang tuparin mo ang isang pangako sa isang taong hindi naman gaanong kakilala at hindi na muling makikita pa? Ipaliwanag ang sagot.

H. Ano sa iyong palagay ang pinakamahalagang bagay na dapat isaalang-alang ng isang ama pagdating sa kaniyang relasyon sa kaniyang anak? Bakit mo ito maituturing na pinakamahalaga?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.