Base sa mga ulat sa telebisyon maging sa radyo, kahit sa mga print media o online blogs, matatagalan pa bago mawala ng tuluyan ang coronavirus. Ang tanging paraan para rito ay ang paggawa ng bakuna. Ngunit kahit pa mayroong bakuna, hindi na ito mawawala pa. Makatutulong lamang ang bakuna upang mapahina ang COVID-19.
Kung mayroong katotohanan ang pahayag na nasabi, nararapat lamang na ipagpatuloy natin ang ating nakasanayan tulad ng pagsusuot ng facemasks at face shields, palagiang paglilinis ng kamay, social distancing maging ang pananatili sa bahay.
Kahit pa may natuklasan nang bakuna ang mga eksperto, marami pa rin sa mga tao ang nag-aalinlangan dito. Hindi na maiaalis sa mga tao ang kaba at kagustuhang humaba ang kanilang mga buhay. Kung mayroon tayong takot para rito, maililigtas pa rin naman natin ang ating mga sarili sa virus.
Ang pananatili sa bahay upang maging ligtas ay isa sa mga paraan upang masugpo ang virus. Sa pamamagitan nito, mababawasan ang pagkakataong lumaganap pa ang nasabing sakit. Hindi lamang ang ating sarili ang maliligtas kundi pati ang ating pamilya maging ibang tao na ating makakasalamuha kung sakaling tayo ay lumabas ng bahay.
Walang masama sa pagsunod sa mga ipinatutupad na batas ng pamahalaan. Dapat ay magtulungan at magkaisa ang mga mamamayan sa pagsugpo nito.
Answers & Comments
Editoryal: Manatili sa bahay upang maging ligtas.

-