Questions


November 2022 2 1 Report
Ang Alamat ng Palay
Noong unang panahon ang mga tao ay walang palay.
Ang kanilang kinakain ay gulay, bungang-kahoy, isda, at
mga hayop. Sila ay nangangaso sa gubat at nangunguha ng bungang-kahoy sa
parang. Sila ay maligaya roon.
Nawala na ang mga hayop sa gubat at ilan na lang ang mga bungang-kahoy.
Ang mga tao ay nalungkot. Ang mga lalaki ay nangangaso sa bundok. Sila'y pagod na
pagod at gutom na gutom. Sila'y nagpapahinga nang dumating ang mgamagagandang
dalaga. Ang mga ito ay engkantada pala. Sila'y makapangyarihan subalit magagalang.
Ang mga mangangaso ay kinumbida ng mga engkantada. Sila'y nagpunta sa yungib
na may napakarami palang engkantada. Sila'y may reyna. Sila'y nagsaya noon, nag-
awitan, at nagsayawan.
Nagkaroon ng kainan. Nakita ng mga mangangaso ang malalaking tagayan. Ang
mga ito ay punong-puno ng pagkain na puting-puti. Noon lamang sila nakakita ng puti-
ng pagkain. Matapos ang kainan, ang mga lalaki ay naging bata at lumakas. Sila ay
pinainom ng puting alak at naging matalino. Gusto ng umuwi ng mangangaso. Ang
reyna ay nagsalita, "Kayo'y bibigyan ko ng butil. Ito'y itanim ninyo sa tag-ulan. Alam
kong kayo ay mabubuti kaya iyan ay sisibol at mamumunga. Aanihin ninyo ang bunga.
Ang mga butil na inani ay bayuhin at linisin. Ang butil ay magiging bigas. Ito ay lutuin.
lyan ang inyong pagkain. Iyan ang kaloob ko sa mga tao. Hala, umuwi na kayo."
Sumunod sa bilin ang mga tao. Ang bigas na niluto ang kauna-unahang kanin sa
daigdig.
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba batay sa kwentong iyong nabasa. Isulat
ang sagot sa patlang.
1. Ano ang pamagat ng kwentong inyong nabasa?
2. Sinu-sino ang mga tauhan? Ibigay ang katangian ng bawat isa.
3. llarawan ang tagpuan sa kwentong nabasa?
4. Ano ang pangyayaring naibigan mo sa kwento? ipaliwanag kung bakit ito
nagustuhan
5. Alin naman ang pangyayaring hindi mo nagustuhan? Bakit? Ipaliwanag ang iyong
kasagutan.
[tex] help \: po[/tex]

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.