Questions


October 2022 1 9 Report
Basahing mabuti ang kuwento ng pinagmulan ng “Inorogan Chapel” at sagutan ang mga sumusunod na katanungan
alamat ng inorogan
Sa panahon nang pananakop ng mga Espanyol dito sa Pilipinas, sa buwan ng Enero 4, 1641, may isang bundok na tumubo sa Iriga, na tinawag itong – Sumagang. Biglang sumabog ang bundok kaya gumuho ang lupa sa bahaging silangan nito, gumulong ang mga malalaking bato at rumagasa ang malalaking tubig pababa ng bundok. Lumipas ang ilang araw, habang naghahanap ng makakain ang tatlong Agta, nakakita sila ng isang liwanag na nagmumula sa bundok. Sa kanilang pagkamangha at pagkabighani sa nagkikislapang liwanag, nagmadaling umakyat ang tatlong Agta sa bundok at nakita nila ang isang imahen ni Birheng Maria na kalong-kalong si Hesus sa ibabaw ng isang malaking bato na galing sa pagsabok. Binalita agad nang tatlong Agta ang nakita sa pari sa parokya ng Iriga. Hindi natuwa ang pari sa kanyang narinig at binantaan ang tatlo na huwag magdala ng maling balita.Kinausap nang tatlo ang pari na samahan silang muli pabalik ng bundok upang malaman ng pari na totoo ang kanilang ibinabalita. Pagdating nila sa bundok, nakita ng pari ang imahen ng Birhen Maria at kanyang napagtanto na totoo ang sinasabi ng tatlong Agta. Ang imahen na nakita ay tinawag na Nuestra Senora de las Angustia at ang lugar na kung saan nakita ito ay tinawag na “inologan” na sa ngayon ay “inorogan” na ang ibig sabihin may nahulog. Kinabukasan, bumalik ang pari kasama ang ilang miyembro ng parokya sa bundok upang kunin ang imahen ngunit hindi nila ito mabuhat. Sinabi niya agad ito sa kanyang pinuno na nasa Nabua tungkol dito. Nagsama ang dalawa pabalik sa bundok kung saan naroroon ang imahen ni Birheng Maria at sinubakan nilang muling buhatin ito ngunit hindi nila ito mabuhat na parang nakadikit ito sa bato. Isang araw, may isang matandang banal na babae na nakatira saNabua na ang pangalan ay Maria Dia.Si Maria ay nagkaroon ng isang panaginip tungkol kay Inang Birheng Maria na nagpapahiwatig na kunin siya sa Inorogan at dalhin sa isang simbahan sa Nabua. Ikinumpisal ito ni Maria sa kura paroko ng Nabua ang tungkol sa kanyang panaginip at sinabihan niya itong magpasama kay Isabel upang sundin ang nais ni Inang Angustia. Pinasakay ang dalawa sa isang duyan, pasan ng apat na lalaki papunta sa bundok. Dinasalan muna nila ang imahen, pagkalipas ng ilang oras nabigla ang dalawang lalaki sapagkat napakagaan nila itong ibinuhat, dinala ito ng cabeza de barangay at kapitan ng Nabua sa simbahan ng Iriga. Sabi ng mga Taga-Iriga iiwan na ang imahen sa kanilang simbahan. Pagkasabi nito, biglang dumilim ang langit, dumagundong ng malakas, umihip ang malakas na hangin at umulan. Sa takot na naramdaman ng mga TagaIriga, akala nila ito ay isang signos mula sa langit na ang ibig sabihin, ayaw maiwan si Ina sa bayan ng Iriga; kaya pinayagan nilang dalhin na lamangito sa Nabua.
katanungan
sagutin
Ano ang paksa ng alamat?

2. Sino ang nanaginip kung paano maililipat ang

imahe?

3. Saang simbahan na ngayon nakalagak ang

orihinal na imahen ng Nuestra Señora de las

Angustia?

4. Kailan pinaniniwalaang naganap ang alamat?

5. Bakit sa simbahan ng Nabua at hindi sa simbahan

ng Iriga nakalagak ang imahen ng Nuestra Señora

de las Angustia?

6. Paano nadala ang imahen mula sa bundok ng

sumagang patungong bayan ng Nabua?
plss pasagot po
kailangan ko na po ngYon
[tex]plss \: po \: kailan \: ko \: na \: po \: ngayon{}[/tex]

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.