Wastong Pagkain

I
Ang taong malusog, lubhang masayahin, Matalas ang isip at hindi sakitin. Katawa'y maganda at hindi patpatin, Pagka't alam niya ang wastong pagkain.

II
Lusog ng katawan nasa kinakain, Ang gulay at prutas, dapat na piliin. Sa dilis at tulya, sa puso ng saging Lalakas ang buto, titibay ang ngipin.

IІІ
Lilinaw ang mata, kataway lalaki, Sa sariwang gatas, itlog at kamote. Malunggay at petsay, sa isda at karne Ang bata't matanda, lulusog bubuti.

IV
Sa ating pagkain laging tatandaan, Mga bitamina nitong tinataglay. Sa sariwang prutas, isda saka gulay, Lulusog, gaganda, hahaba ang buhay.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
1. Ano ang ipinahihiwatig ng tula sa atin?
2. Ano-ano ang isinaalang-alang mo sa bagbasa ng tula?

[tex] \large \boxed {\sf {3. \ Mga \ Batayang \ Tanong}}[/tex]

1. Paano binabasa ang tula?
2. Kailan ka bahagdang titigil sa pagbasa ng tula?
3. Kailan ka naman hihinto o titigil bago mo ipagpatuloy ang pagbasa ng tula?

Help Me (ᗒᗣᗕ)՞ ➪Nonsence Report​

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.