[tex] \large \bold {Gawain \ 1: }[/tex]
[tex] \rm {Panuto:}[/tex] Basahin ang bawat sitwasyon. Isulat sa papel kung ano ang gagawin mo kung ikaw ang gumaganap upang maipakita ang paggalang sa mga karapatan ng ibang tao kabilang na ang paggalang sa karapatan ng bata.
1. Pinapayagan ka ng iyong kuya na gamitin paminsan-minsan ang kanyang mga gamit sa pagguhit. Isang araw, may nakita kang isang makapal na sobre sa ibabaw ng kanyang mesa sa tabi ng mga pangguhit na hiniram mo. May mga larawan sa loob ng sobre.
2. Iba-iba ang relihiyon ng ilan sa iyong mga kaibigan. Hindi naman ito nagiging sanhi ng pag-aaway-away ng mga miyembro ng inyong pangkat ngunit minsan kapag nag-uusap kayo, napapansin mo na magkakaiba ang inyong pananaw kung kaya't madalas ay hindi kayo nakapagpapahayag ng nagkakaisang opinyon sa mga isyung pampaaralan.
3. Nagsisimulang magtrabaho ang inyong kasambahay na si Aling Nita mula sa ika-5 ng umaga at natatapos ng ika-7 ng gabi. Minsan, nakikita mo siyang pagod na pagod ngunit hindi nagrereklamo.
Help Me Please :(
Answers & Comments
KARAPATAN
Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Isulat sa papel kung ano ang gagawin mo kung ikaw ang gumaganap upang maipakita ang paggalang sa mga karapatan ng ibang tao kabilang na ang paggalang sa karapatan ng bata
1. Pinapayagan ka ng iyong kuya na gamitin paminsan-minsan ang kanyang mga gamit sa pagguhit. Isang araw, may nakita kang isang makapal na sobre sa ibabaw ng kanyang mesa sa tabi ng mga pangguhit na hiniram mo. May mga larawan sa loob ng sobre.
» Mas maganda na lamang kung hindi ko ito papakialaman. Rerespetuhin ko kung ano man ang tungkol dito. Bibigyan ko si kuya ng privacy. Hindi ko dapat pakialaman ang mga gamit niya na walang permiso.
2. Iba-iba ang relihiyon ng ilan sa iyong mga kaibigan. Hindi naman ito nagiging sanhi ng pag-aaway-away ng mga miyembro ng inyong pangkat ngunit minsan kapag nag-uusap kayo, napapansin mo na magkakaiba ang inyong pananaw kung kaya't madalas ay hindi kayo nakapagpapahayag ng nagkakaisang opinyon sa mga isyung pampaaralan.
» Mas maganda na lamang na magbigay kami ng mga sariling opinyon at ibahagi ito. Pwede naman namin itong pagbotohan para mas maganda at hindi makapagsimula ng away.
3. Nagsisimulang magtrabaho ang inyong kasambahay na si Aling Nita mula sa ika-5 ng umaga at natatapos ng ika-7 ng gabi. Minsan, nakikita mo siyang pagod na pagod ngunit hindi nagrereklamo.
» Tutulungan ko si Aling Nita. Ako na lang ang gagawa ng mga ibang gawain at siya ay magpahinga. Hindi rin ako magkakalat upang 'di madagdagan ang kanyang trabaho.
#CarryOnLearning