Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gamit ang isa sa mga teknik na ito (paghahambing pagbibigay-depinisyon at pagsusuri), gumawa ng isang mula as isa sa mga sumusunod na paksa.
•Anti-Terror Bill/Tertiamo .
•Kahirapan
•Kagutuman
•Droga
•Kurapsyon
Thank you:))
Answers & Comments
Answer:
Ni Anthony Bautista
Sa isang mundong sakim at may pag-iimbot
Binigyan kami buhay na masalimuot
Naging katatakutan ang bawat pagpalaot
Bawat kinaumagahan ay parang isang salot.
Lahat kami, sila’t ako ay anak ng Diyos Ama
Ngunit kinuhanan ng mapagpalang mahika.
Ang mga mayayaman ay lalong nagpapayaman
Samantalang kaming mahihirap ay lalong tinatapakan.
Ang mga nagugutom, tulungang makakain
Ang mga walang bahay ay ating patuluyin.
Ang mga nalulumbay, pasayahin man din,
Gayundin ang mga aba’y tulungan mo rin.
Sabi ng Henesis, ‘tayo’y magkakapatid’
Ngunit bakit hinahayaang masira ang bait
Tulungan natin sila kung iyan ang ‘yong batid
At huwag hayaang ang demonyo ang ating maihatid.
Lahat ng mahihirap ay nagnanais makaahon sa kadiliman
Huwag nating ipagkait ang ninanais ng mga abahin.
Sa halip ay kuhain ang kamay at sabay hatak paitaas.
At sa huli’y ang bahala sayo siyang Diyos na nasa itaas.
Tulad ng bahaghari, matapos ang ulan
Makakaahon tayo sa isang unos na signos ng talan
Kung magtutulung-tulungan tayo tungo sa kasiglahan
Ang panaghoy ng mahihirap ay magwawakas sa kamay ng kabutihan.
sana makatulong salamat po