.Tayain Natin



Pagsasanay 1

Panuto: Tukuyin ang paksang pangungusap sa bawat talata at

isulat ito sa patlang.

1. Ang langaw ay maituturing na pinakamapanganib na hayop sa buong daigdig. Ang

dalawa nitong pakpak at anim na mabalahibong paa ay nakapagpadadala ng

mikrobyo na nagdudulot ng maraming sakit. Kumakain ito ng kahit na anong bagay

na nabubulok. Daan-daan kung mangitlog ito sa mga basura at dumi. At sa oras ng

kaniyang paglipad at pagdapo kung saan-saan, tiyak ang dala niyang sakit sa mga

tao.

Paksang Pangungusap: _______________________________________

________________________________________________________

2. Ang platypus o duckbill ay may malapad na katawan nito na nababalot ng maiikli at

pinong balahibong kulay kape. Tila sagwan ang buntot nitong maikli, malapad at

nababalutan ng magaspang na buhok. Maiikli ang apat nitong mga paa na may

magkadidikit na mga daliri. Wala itong leeg. May maliit itong mata at tenga na

naisasara kapag nasa ilalim ng tubig. Ang platypus o duckbill ay isang hayop na may

kakatwang anyo.

Paksang Pangungusap: _______________________________________

______________________________________________________________

3. Pinagyaman ng mga Ifugao ang kanilang kabundukan. Binungkal nila ang mga gilid

nito. Nakalikha sila ng makikitid na taniman. Tinataniman nila ito ng palay. Ang

hagdan-hagdang palayan ng mga Ifugao ay isang kahanga-hangang tanawin.

Paksang Pangungusap: _______________________________________

_______________________________________________________________

4. Maraming likas na kayamanan ang Pilipinas. Malalawak ang mga lupang pang-

agrikultura na maaaring pagtaniman ng palay, mais,tubo, tabako, at iba pang

produkto. Madadawag ang mga kagubatang pinanggagalingan ng mga troso at

mababangis na mga ibon at hayop. Ang mga karagatan nito ay namumutiktik sa isda

at iba pang lamang-dagat. Sa mga bundok matatagpuan ang mga kayamanang

mineral tulad ng ginto, pilak, karbon, chromite at iba pa.

Paksang Pangungusap: _________________________________________

________________________________________________________

5. Ang ating mga ninuno noon pa man ay marunong na silang magpinta. Nilalagyan nila

ng tatu ang iba’t ibang bahagi ng katawan. Marunong din silang umukit ng mga

estatwa sa kahoy, maghulma ng putik, bato at ginto. Ang ating mga ninuno ay may

mataas na antas ng kabihasnan sa sining..

Paksang Pangungusap: _______________________________________

_______________________________________________________​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.