Tayain Natin A. Panuto: Bilugan ang letra ng angkop na pamagat sa mga sumusunod na talata. 1. Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang mabuti nating pagtanggap sa mga panauhin. Kapag ang isang pamilya ay may inaasahang panauhin, bawat isa ay abala sa paghahanda. Sila'y naglilinis at nag-aayos ng kabahayan. Nagluluto ang pamilya ng masarap na pagkain at naghahanda ng maraming prutas at inumin. Pinagkakaabalahan din nila kung ano ang maipauuwing pasalubong ng panauhin. a. Paghahanda ng Pamilya b. Ang katangian ng mga Pilipino c. Mga Gawaing Bahay d. Mga Pinagkakaabalahan ng mga Pilipino 2. Ang isang pamilya ay dapat na may pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan sa bawat isa. Ano mang problema ang dumating, kailangang mapanatiling buo at matatag ang pamilya. Bukod dito biyaya ng Diyos ang ating pamilya kaya't patuloy mong ingatan. Ganito ang isang matibay na pamilya.
a. Ang Matibay na pamilya.
b. Mga Suliranin ng isang Pamilya
C. Ang Aking Pamilya
d. Pagdarasal Para sa Pamilya
PASAGOT PO NG MAAYOS PLEASE! TY PO SA SASAGOT
Answers & Comments
Answer:
1. A
2. C
Explanation:
Sana makatulong