Tayahin Tukuyin kung ang mga sumusunod na sitwasyon ay
A. Natutuhan mula sa mga karanasan
B. Namamana
C. Galing sa mga pagpapahalaga at kakayahan D. Napapakinggan

1. Hindi nakakalimutang magpasalamat ni VJ sa Diyos kahit na anoman ang nararanasan niya sa buhay.

2. Mula pagkabata, nakita mo ang pagkahilig ng iyong mga magulang sa paghahayupan. Sa iyong paglaki naging hilig mo na rin ito.

3. Sa tuwing may nakikita ka na mga pulubi at iba pang nangangailangan ng iyong tulong ay laging laan ka na tumulong sa abot ng iyong makakaya kagaya ng pagbibigay ng pagkain, limos at iba pa.

4. Kapag nakakakita si Isko ng street children, lagi niya silang pinaaalahanan kung gaano kahalaga ang edukasyon dahil dati rin siyang palaboy sa lansangan.

5. Tuwing magdiriwang ng kaarawan sina Mang Oni at Aling Viellle, pangunahing bisita nila ang mga balo at naghahanda sila ng espesyal na pagkain at mga regalo para sa mga ito.

6. Nung nabubuhay pa ang ama ni Yjo, lagi nitong napapansin ang pagiging mahinahon nito sa pakikipag-usap sa kaninoman kaya ngayon yun din ang napapansin sa kanya ng kanyang mga katrabaho.

7. Sinundan na rin ng mga batang Villafuerte ang yapak ng kanilang lolo kaya ngayo'y sila ang nasa pulitika sa Camarines Sur.

8. Tuwing may kalamidad, nagbibigay ng donasyon si Aling May sa abot ng kanyang makakaya.

9. Si Efren “Bata” Reyes Jr. ay kilala sa buong mundo sa larangan ng billiard. Naging dalubhasa siya rito sapagka't lagi siyang nakakapanood at nakakapaglaro ng bilyar.

10. Mula ng magkaisip ang anak ni Manny na si Jimuel ay nakikita niya ang hilig ng kanyang ama sa larangan ng boksing kaya naging hilig na rin niya ito.

11. Lagi siyang ipinagtutulong ng kanyang ama sa pangingisda sa dagat kaya naman nagustuhan niyang kunin ang kursong marine.

12. Laging isinasali ng kanyang ina sa singing contest si Charice kaya naging isang sikat na singer siya.

13. Tuwing may nakikita kang nakakalat na basura sa inyong paligid ay tinitipon mo ito at inilalagay sa tamang lalagyan

14.Likas kay Angel Locsin ang tumulong sa mga kababayang Pilipino lalo na sa panahon ng krisis.

15.Hilig ni Mang Oning ang magnegosyo ng buy and sell sapakat kinalakihan na niya ito.

sana naman po may sumagot ng MATINO :)​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.