Tayahin Panuto: Piliin ang angkop na reaksyon sa sumusunod na paglalahad. 1. May inilunsad na proyektong pera sa Basura ang paralan upang maging malinis ang kapaligiran at kumita ng pera buhat sa basurang itinatapon ng mga mag-aaral. a Lalong dumami ang nagkalat na basura sa paaralan. b. Nalutas ang suliranin sa maruming kapaligiran at kumita pa ng salapi. c. Walang pakialam ang namumuno sa paaralan sa maruming kapaligiran. 2. Unang araw ng pasukan. Masayang gumising si Ethan at nasabik na pumasok. Tinawag sila isa-isa ng guro upang magpakilala. Hindi makapagsalita si Ethan. a. Hindi nakinig si Ethan dahil siya'y naglaro. b. Nahiya siya sa kanyang mga kaklase kaya hindi siya nakapagsalita. c. Tumalikod siya sa guro at kaklase. 3. Mula sa ibang bansa si Dylan. Bagong lipat siya sa paaralan. Sabi ng kanyang kaklase, huwag siyang kausapin sa Ingles upang mapilitang magsalita sa Filipino. Hindi nila alam na wikang Filipino ang kanilang ginagamit na salita sa bahay dahil mga Pilipino ang kanyang mga magulang. a. Kailangang hindi kaagad mag-isip ng patapos, dapat alamin at kilalanin ang baguhan. b. Pabayaan lamang na ang bagong dating ang lalapit. c. Iwasan na mapalapit sa baguhan. 4. Isang gabi, hindi nakatulog si Alex; ayaw humiwalay sa kanyang isipan ang usapang patigilin sila sa pag-aaral, dahil wala na talaga silang pera. a. Gustung-gusto niya ang pasiya ng kanyang ina. b. Nagbibiro lang ang kanyang ina. c. Mag-isip na lang siya ng paraan upang makapagpatuloy sa pag-aaral C. 5. Gutom na gutom sina Hannah at Kim galing sa paaralan. Tamang tama ring nailuto na ang pagkaing inihanda ng kanilang kapatid at agad inihain para sa kanila. a. Natugunan ang gutom na kanilang naramdaman. b. Naubos na lahat ang pagkain. C. Silang dalawa ang nagluluto pagdating sa bahay. 8​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.