Questions


December 2022 1 3 Report
TAYAHIN Panuto: Basahin ang mga linya mula sa binasang epiko at ibigay ang hinihingi sa bawat bilang. Nang unang panahon ayon sa alamat ng pulong Mindanaw, ay wala ni kahit munting kapatagan. Pawang kabundukan ang tinatahanan ng maraming taong doo'y namumuhay maligaya sila sapagkat sagana sa likas na yaman. 1. Ano ang sanhi sa maligayang pamumuhay ng mga tao sa pulo ng Mindanaw? A. dahil sa malawak na katapagan ng pulo B. dahil sa kasaganahan ng kanilang likas yaman C. dahil sa pagtutulungan ng mga mamamayan doon D. dahil sa mga magagandang tanawin sa kanilang lugar Ang kalagim-lagim na kinasapitan ng pulong Mindanaw ay nagdulot ng lungkot sa maraming baya't mga kaharian; 2. Ano ang naging bunga ng lagim na sinapit ng pulong Mindanaw sa mga bayan at kaharian? A. naging masaya ang mga mamamayan B. naging mayaman ang mga tao sa lugar C.naging mahirap ang pamumuhay ng mga tao roon D.naging malungkot ang mga bayan at mga kaharian sa pulo "Prinsipe Sulayman, ako'y sumasamo na iyong iligtas ang maraming taong nangangailangan ng tulong mo't habag." 3. Ano ang naging sanhi ng paghingi ng tulong ni Haring Indarapatra kay Prinsipe Sulayman? A. Nalungkot siya sa mga taong nagugutom. C. Naawa siya sa mga taong ginugulo ng mga halimaw. B. Nasaksihan niya ang paghihirap ng mga tao. D. Nawalan siya ng pag-asa para sa mga tao sa pulo ng Mindanaw. Siya ay lumundag at kanyang tinaga ang pakpak ng ibon, datapwa't siya rin ang sinamang-palad na bagsakan niyon; sa bigat ng pakpak, ang katawan niya'y sa lupa bumaon kaya't si Sulayman noon ay nalibing na walang kabaong. 4. Ano ang naging bunga ng pagbagsak ng tinagang pakpak ng Ibon kay Prinsipe Sulayman? A. Natalo ni Sulayman ang malaking ibon. C.Sumuko si Sulayman sa pakikipaglaban sa halimaw. B. Pumanaw si Sulayman dahil sa bigat ng pakpak. D.Natakot si Sulayman at hindi na ipinagpatuloy ang kanyang misyon. Kanyang ibinuhos ang tubig na yaon sa lugaming bangkay, at laking himala! Ang kanyang kapatid ay dagling nabuhay, sila ay nagyakap sa gitna ng galak at ng katuwaan, saka pinauwi itong si Sulayman sa sariling bayan. 5. Ano ang naging sanhi ng muling pagkabuhay ni Prinsipe Sulayman? A. dahil sa mahiwagang tubig na ibinuhos sa kanya B. dahil sa ritwal na isinagawa ni Haring Indarapatra C. dahil sa pagdinig ni Bathala sa panalangin ng mga tao D. dahil sa gamot na ipinalnom sa kanya ni Haring Indarapatra​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.