Tayahin Pagsubok 1 Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot na nagpapakita ng paggalang sa pakikipag-usap sa iba't ibang sitwasyon. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel. 1. Gusto mong lumabas kasama ang iyong mga kaibigan. Paano ka magpapaalam sa iyong mga magulang? A. Aalis po ako kasama ng aking mga kaibigan. B. Hinihintay na ako ng aking mga kaibigan sa labas, paalam. C. Maaari po ba akong lumabas kasama ang aking mga kaibigan? D. Payagan ninyo akong lumabas kasama ang aking mga kaibigan. 2. Gusto mong makipaglaro sa labas kasama ang inyong mga kaibigan. Humingi ka ng pahintulot sa iyong ina ngunit ayaw kang payagan dahil sobrang init sa labas. Ano ang iyong sasabihin? A. Sige na inay, payagan na po ninyo ako. B. Aalis pa rin ako, Inay kahit hindi ninyo ako papayagan. C. Opo, Inay, gagawa nalang po ako ng aking takdang-aralin. D. Naku, Inay, wala naman po akong gagawin dito sa bahay kaya payagan na ninyo ako. 3. Nakita mong hindi wasto ang paggawa ng proyekto ng iyong kagrupo at ikaw ang nakakaalam ng tamang paggawa nito. Paano mo ito sasabihin? A. Mali ka, hindi ganiyan ang paggawa nito. B. Ihinto mo na iyang ginagawa mo kasi mali naman. C. Dapat sana sinabihan ninyo ako bago kayo gumawa. D. Maaari ba akong magbigay ng suhestiyon sa paggawa ng ating proyekto? 4. Pinuri ka ng iyong guro dahil sa husay mo sa pagguhit. Ano ang tama mong isasagot?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.