Questions


November 2022 2 3 Report
Tayahin: Isulat sa sagutang papel ang K kung kathang isip HK kung hindi kathang isip ang salaysay.

1.Si Jose Protasio Rizal ay ang pambansang bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kaniyang mga magulang ay sina Ginoong Francisco Mercado at Ginang Teodora Alonzo. (Talambuhay ni Dr. Jose Rizal)

2. Tahimik na nanangis si Aling Rosa. Noon niya napagtanto na tumalab kay Pinang ang kanyang sinabi. Gayunpaman, inalagaang mabuti ni Aling Rosa ang halaman at tinawag niya itong Pinang bilang pag-alaala sa kanyang anak. Nang maglaon, ang bunga ito ay tinawag na "Pinyà." (Alamat ng Pinya)

3.Ilang araw na lang ay simula na ng tag-ulan kung kaya't ang pamilya ng langgam ay araw-araw nang naghahakot ng mga pagkain. Kapag nagsimula ang tag-ulan, hindi na naman sila makalalabas sa lungga nila sapagkat delikado. (Si Langgam at Tipaklong)

4. Noong mga unang araw ay sinusugong paminsan-minsan ng bathalang maykapal si Barangaw magmula sa alapaap upang tingnan kung maligaya ang ating mga ninuno. Kung minsan si Barangaw ay nag-aanyong bahaghari upang pahintuin ang unos na maaaring makasira sa mga pananim. (Bakit dala-dala ni Pagong ang kaniyang bahay?)

5.Mula pa sa pagkabata ay kinakakitaan na si Pepa ng sigasig sa pag-aaral. Tinapos ni Josefa ang elementarya sa Dingras at hayskul sa Laoag. Upang mapalawak ang kaisipan, pinili niyang sa Maynila na magpatuloy ng kolehiyo. Nakilala ng mga mag-aaral sa Philippines Normal College ang mataas na antas ng liderato ni Pepa. (Talambuhay ni Josefa Llanes Escoda.)​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.