Tayahin Binabati kita sa iyong kagalingan sa pagsunod sa mga panuto sa lahat ng gawain. Upang lubos mong maunawaan ang ating aralin ay sagutin mo ang sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. I. Denotasyon at Konotasyon Panuto: Ibigay ang Denotatibo at Konotatibong Pagpapakahulugan sa mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa kahon at isulat ito sa sagutang papel (10 puntos). pagmamahal mineral bahagi ng isang halaman isinapuso kagandahan namatay ipinunla kayamanan. nawala bumubuhay sa tao 1. Namumukadkad na bulaklak ang dalawang anak ni Aling Myrna. Denotatibong Kahulugan:
Konotatibong Kahulugan:
2. Ang bawat butil ng bigas ay ginto para sa pamilyang naghihikahos. Denotatibong Kahulugan:
Konotatibong Kahulugan:
3. Itinanim sa isipan ng batang paslit ang payo ng kaniyang mga magulang. Denotatibong Kahulugan:
Konotatibong Kahulugan:
4. May puso para sa mahihirap ang aking kapatid. Denotatibong Kahulugan: Konotatibong Kahulugan: 5. Nangalagas ang pangarap ng binata nang malulong ito sa droga.
Denotatibong Kahulugan:
Konotatibong Kahulugan:
Answers & Comments
Verified answer
Answer:
1. BULAKLAK
Denonatibo: bahagi ng halaman
Konotatibo: kagandahan
2. GINTO
Denonatibo: mineral
Konotatibo: kayamanan
3. ITINANIM
Denonatibo: ipinunla
Konotatibo: isinapuso
4. PUSO
Denonatibo: bumubuhay sa tao
Konotatibo: pagmamahal
5. NANGALAGAS
Denonatibo: namatay
Konotatibo: nawala
Explanation:
pa brainliest po!✔◠¤◠✔