Ang pang-angkop ay isa sa walong bahagi ng pananalita. Ito ay mga katagang ginagamit na nagdudugtong sa mga magkasunod na salita sa isang pangungusap upang maging maganda ang pagkakabigkas sa mga ito. Ito rin ay ginagamit upang mapag-ugnay ang mga panuring at mga salitang binibigyan ng turing.
Mga Halimbawa ng Pang-Angkop
Ang pang-angkop ay may tatlong uri. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
1. NA
Ang pang-angkop na "NA" ay nag-uugnay ng dalawang salita kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa titik N.
Halimbawa:
mainit na kape
malambot na unan
masarap na ulam
malamig na gabi
madulas na daan
2. NG
Ang pang-angkop na "NG" naman ay isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa patinig.
Halimbawa:
mabuting kaibigan
masamang kaaway
magandang kwento
murang damit
basang papel
3. G
Ang pang-angkop naman na ito ay ginagamit kung ang salitang durugtungan ay nagtatapos sa katinig na N.
Halimbawa:
luntiang dahon
pamilihang bayan
aliwang pambata
nayong tahimik
balong malalim
Dagdag kaalaman tungkol sa walong bahagi ng pananalita, bisitahin ang link:
Answers & Comments
Answer:
Pang-Angkop
Ano ang pang-angkop?

brainly.ph/question/987035
#BetterWithBrainly
Explanation: hope i help and pa brainliest man po plss