Questions


August 2022 1 0 Report
Tao, Tagapag-alaga ka ba ng Kalikasan?
Ang kalikasan ay sadyang ipinagkaloob sa atin ng Panginoon upang makatulong
sa ating pamumuhay sa mundo. Nariyan ang mga puno at halaman na nagbibigay ng
pagkain, ang mga ilog at dagat na bukal ng mga isda at yamang-tubig na
pinakikinabangan natin ang mga ibon at hayop na nagbibigay rin ng pagkain sa atin.
Sa gitna ng mga biyayang tinatamasa natin mula sa kalikasan, unti-unti naman
nating nalilimutan na may tungkulin din tayo sa kalikasan. Winalang bahala natin ang
pinagkukunang ito ng ating ikinabubuhay. Nalimutan nating magtanim ng mga bagong
puno at halaman kapalit ng mga kinuha natin. Sinunog din natin ang mga kabundukan
para taniman ng kamote, sayote at iba pa na ang kapalit ay pagguho ng lupa at baha sa
mababang lugar. Gumamit tayo ng mga paraang nakapipinsala, tulad ng dinamita, at
pinong lambat sa panghuhuli ng mga isda. Naging dahilan ito ng pagkamatay ng maliliit
na isda. Hinuli natin ang mga ibon at hayop sa kagubatan na dapat sana ay tinutulungan
nating dumami ang lahi.
Naging tagapagwasak tayo ng kalikasan sa halip na tagapangalaga. Ngayon ay
nararanasan na natin ang ganti ng kalikasan. Umiinit na ang panahon dahil sa kawalan
ng mga puno. Natutuyo na rin ang mga sapa at ilog. Malimit ang pagbaha. Kulang na
tayo sa mga pagkain tulad ng mga prutas at gulay. Mahina na rin ang aning nakukuha
sa ating mga palayan dahil sa matagal na tag-init at kasalatan sa patubig. Dahil dito,
umaangkat tayo ng bigas.
Nararapat na tayong kumilos ngayon habang may natitira pang yaman ang ating
kalikasan. Isipin natin ang darating pang henerasyon na maaaring wala nang makitang
mga puno at ibon sa paligid.
Unawain natin.
1. Ano-anong pagmamalabis at pang-aabuso sa kalikasan ang nabanggit sa seleksiyon?
2. Paano natin maililigtas sa pagkasira ang kalikasan?
3. Bakit mahalagang pangalagaan natin ang kalikasan?
4. Bakit sinasabing ang tao ang dapat na tagapag-alaga ng kalikasan?
5. May nalalaman ka bang mga proyekto sa pamayanan ninyo tungkol sa pangangalaga sa
ilog, bundok, o dagat? Ilahad ang sagot.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.