Tanong sa Pag-unawa
1. Ano-anong lugar ang pinuntahan ni Drew sa Coron?
2. Ano ang kaniyang ginawa sa Sangat Hotspring?
3. Paano ikinuwento ni Drew ang kanyang karanasan sa kanyang pagpunta sa Coron? Isa-isahin ito.
4. Sino ang sinasabing unang nanirahan sa Palawan?
5. Paano ipinakilala ang mga mamamayan ng Coron sa napanood na travelogue?
Answers & Comments
Answer:
1. Saan-saang lugar pumunta si Drew sa Coron?
- Ilan sa mga magagandang destinasyong napuntahan ni Drew sa loob ng Coron,Palawan ay ang isang resort na ika nga niya’y makakatipid ka at maginhawa sa makatwirang presyo. Sa Kalachuchi Beach na ayon nga sa pangala’y binubuo ng mgabulaklak na Kalachuchi at ang lugar na ito’y nagisisilbing “resting spot o picnic place” sa tuloy-tuloy at sunod-sunod na pag-island hopping. Sumunod naman ay ang Kayangan Lake, isang sagradong lugar na ayon daw sa mga lokalidad ay binabantayan ng isang diwata kaya’y itinawag na sagrado. Sa sobrang liwanag ng tubig, kitang-kita ang mgabuhagin sa ilalim ng lawa. Hinding-hindi mawawala ang mga beaches sa pagpunta sa iba’t-ibang lugar, narito ang Pass Island na kinapapalooban ng mga mapuputing buhangintulad ng sa Boracay. Base sa bidyong pinanood, ang huling destinasyon na pinuntahan ni Drew ay sa restaurant ng isang Amerikano.
2. Ano-ano ang kinain ni Drew sa Coron?
- Iilan lamang ang kinain ni Drew sa loob ng kanyang pakikisalamuha sa Coron,Palawan, isa na rito ay ang isang patok na putahe sa lugar na tinatawag na sikad-sikad. Ang sikad- sikad ay isang uri ng kabibe na pangunahing pinagkukunang yaman atpaboritong pagkain ng mga local, ginagamitan ito ng gata upang mas bigyang lasa paito. Sa pagbisita niya sa isang restaurant na pagmamay-ari ng isang Amerikano, binigyan siya ng espesyal na pagkain na tinatawag nilang St. Patrick’s Burger na ayon daw sa kanya nanggaling pa daw sa ibang bansa ang sangkap, partikular ang laman sa EstadosUnidos.
3. Paano ikinuwento ni Drew ang kanyang karanasan sa kanyang pagpunta sa Coron? Isa-isahin ito.
- Ikinuwento ni Drew ang kanyang mga napuntahan sa pamamagitan ng dalawang paraan, ang una’y ang paggamit ng sariling imahinasyon, sa pag-isip na kunware’y nandoon ka sa mga lugar na kanyang pinupuntahan. Ang ikalawa naman ay ang labis na paglarawan sa kagandahan at magagandang aspeto sa mga tanawin at lugar sa loob ng Coron. Ginamit niya angkanyang paningin sa pagbibigay deskripsyon sa mga ito. Lahat ng lugar ay kanyang napuntahan dahil sa iba’t-ibang uri ng transportasyon tulad ng mga bangka sa katubiganat mga jeep at kotse sa kalupaan.
4. Anong bahagi ng napanood na travelogue ipinakita ang mga tradisyon ng mamamayan ng Coron?
- Noong pumunta si drew sa Lajala fishing village, ipinapakita ang tradisyon ng mga mamamayan ng coron. Nagtatampok ito ng makalumang sayaw na tinatawag na Suring, isang masayang sayaw.
5. Paano ipinakilala ang mga mamamayan ng Coron sa napanood na travelogue?
- Ipinakilala sila sa pamamagitan ng pag tanong tungkol sa kanilang lugar at karanasan. At sa pagpapakita ng kanilang mga kinagisnan sa lugar na ito at tradisyon.
Hope it helps hehe