Tambak na Basura Miyerkoles, takdang araw ng pangungulekta ng basurang nabubulok. Tambak na ang sako-sakong basura. Ang trak ng basura na lamang ang hinihintay. Walang trak na dumating! Bakit? Napag-alaman ng tanggapan ng Waste Reduction Management na maraming residente sa barangay ang hindi sumusunod sa kautusan na paghiwalayin ang nabubulok at di-nabubulok na basura. Dumating ang mga kinatawan ng nasabing tanggapan at sinuri ang tambak na sako-sakong basura. Halo-halo ang nabubulok at di-nabubulok sa bawat sako. May ilan namang hindi. Inutusan ang mga opisyal ng barangay at ilang mga BHW workers na nandoon na magsagawa ng agarang paghihiwalay ng mga basurang nabubulok at di-nabubulok bago ito kolektahin ng basurero. Dahil sa natuklasang ito, binalaan ang mga opisyal ng barangay na hindi kokolektahin ng basurero ang kanilang mga basura sa loob ng isang buwan. Dahil sa lahat, ang di-pagsunod sa anumang kautusan ay may parusang nakalaan. 1. Tungkol saan ang binasa mong editoryal? 2. Saang bahagi ng pahayagan mababasa ang ganitong teksto? 3. Paano isinulat ang editoryal? 4. Ano ang isyung napapaloob sa teksto? 5. Anong paniniwala ng may-akda ng teksto sa isyung ito?​

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.