Tamang sagot brainliest maling sagot report

Magtanim ay Di-Biro


Ni: Thara Anne M. San Pedro



Isa sa pinagkakaabalahan ngayon ng mga Pilipino, lalaki man o babae ay ang


pagtatanim. Noon pa man ay napakahalaga na ng mga halaman at puno sa atin. Hindi lamang


pumipigil sa pagbaha, nakapagpapaganda ng kapaligiran at ngayon pinagkakakitaan na ng mga


mamamayan.


Ngunit hindi biro ang pagtatanim lalo ang mga halamang namumulaklak.


Nangangailangan ito ng ibayong kasanayan . Hindi basta itutusok mo lamang ito sa lupa. Iba’t


–ibang pamamaraan ang dapat nating matutunan kung tayo ay magtatanim ng halamang


ornamental. Una, pumutol ng matandang sanga ng halaman, ikalawa ibabad muna ito ng 2-3


araw sa tubig. Pagkalipas ng 3 araw kunin na ang sanga.Ihanda ang bagay na maaaring


pagtaniman tulad ng lata, gulong o plastic na bote. Lagyan ito ng lupa mas mainam gamitin ang



loam soil sa mga halamang namumulaklak. Haluan ang lupa ng ipa o kaya ay cocopeat. Itusok


ang ibinabad na sanga at ilagay sa malilim na lugar upang hindi magalaw.


Upang mapangalagaan ang halaman, Diligan ito. Kung matindi dalawang beses isang


araw kung matindi ang init . Lagyan ito ng pataba. Kadalasan,inihahalo ang isang kutsara ng


pataba sa isang litrong tubig. Tanggalin ang mga damo sa paligid ng halaman. Ito ay nagiging


dahilan lamang ng pagpayat ng halaman. Bungkalin ang lupa kung siksik na siksik na ito.


Sa panahon ng pandemya, pinatunayan nating mga Pilipino na hindi tayo marunong


sumuko . Mahirap man ang buhay sa kasalukuyan ngunit pagkakaroon lamang ng tatlong M


tulad ng pagiging maparaan, madiskarte at matiyaga ang naging sandata natin sa hamon ng


buhay



pasagot po

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.