Questions


October 2022 2 6 Report
TAMA o MALI

______1. Ang tuon ng katarungan ay ang labas ng sarili.
______2. Ang katarungan ay nangangailangan ng panlabas na kalayaan mula sa pagkiling sa sariling interes.
______3. Ang katarungan ay isang gawi na gumagamit lagi ng kilos-loob sa pagkuha ng nararapat sa isang indibidwal
______ 4. Magkaiba ngunit hindi magkahiwalay ang kapuwa at kalipunan. Ang kalipunan ay para sa paglilingkod sa kapuwa.
______ 5. Isinasaalang-alang ng katarungang panlipunan ang mga problema ng lipunan at mga maaaring solusyon ng mga ito tungo sa kabutihang pansarili.
______6. Makatarungan na ibigay ang nararapat sa tao dahil ito ay tanda ng pagkilala sa kanyang dignidad.
______7. Ang pagbibigay kung ano ang nararapat sa tao ay nakadepende lang sa kanyang sitwasyon sa buhay.
______8. Ang katotohanan bilang kaugnay na pagpapahalaga sa katarungang panlipunan ay hindi isang simpleng opinion lamang.
______9. Ang pagiging masigasig ay ang nangangahulugan ng kawalang kasiyahan at interes sa ginagawang gawain o produkto.
______10. Ang taong may disiplina ay nalalaman ang hangganan ng kanyang ginagawa at mayroon siyang paggalang sa ibang tao.
______11. Kahit mahal mo ang iyong trabaho o anomang ginagawa, mawawalan ka pa rin ng gana dito at mababalewala ang iyong trabaho. ______12. Mahalaga ang wastong pamamahala sa paggamit ng oras upang makamit at maisabuhay ang kagalingan sa paggawa.
______13. Sadyang napakadaling magtagumpay sa buhay kahit na wala kang mga kakayahan at nalinang na kasanayan.
______14. Isa sa nakakapag-aksaya ng oras natin ay ang pagpapaliban ng gawain.
______15. Ang taong marunong magpahalaga sa oras ay siyang may mahusay na nagagawa. ______16. Hindi mahalaga at maaaring aksayahin ang oras at panahon.
______17. Tayong lahat ay pinagkalooban ng 48 oras sa bawat araw anuman ang ating estado o katayuan sa buhay.
______18. Ang maayos na paggawa ng iskedyul ay isang halimbawa ng nakakapag-aksaya ng oras natin.
______19. Ang kasipagan ay tumutulong sa tao para mapaunlad ang kalidad ng kanyang buhay at pagkatao. ______20. Ang kasipagan ng isang tao o mamamayan ay walang koneksiyon sa pag- unlad ng isang bansa at lipunang kinabibilangan ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.