TAMA o MALI. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang kaisipan sa bawat bilang at MALI naman kung hindi. Isulat ang mga sagot sa kwaderno. Gawin ito sa loob ng 3 minuto. 1. Nasasakupan ang buong bansa ng pambansang pamahalaan. 2. Mayroong dalawang sangay ang pambansang pamahalaan ng Pilipinas. 3. Ang sangay na tagapagbatas ay binubuo ng mga piling hurado. 4. Ang sangay na tagapagpaganap ay pinamumunuan ng pangulo ng bansa. 5. Magkakaugnay ang lahat ng mga sangay ng pambansang pamahalaan. 6. Ang sangay na tagapaghukom ay kinabibilangan ng mga mambabatas. Kumusta kaibigan? Alam mo ba kung sino at bakit ako narito? Ano kaya ang magiging papel ko sa pagsama sayo sa modyul na ito? Ako ay si AP Lapis “at your service!” Ang magiging gabay mo sa bawat araling magpapatalas ng iyong isip. Nawa’y masiyahan ka habang ako ang iyong kasa-kasama. Bago mo simulang pag-aralan ang tungkol sa mga sangay ng pamahalaan, subukin mo munang sagutan ang mga tanong tungkol sa mga ito. 3 CO_Q3_AP 4_ Module 2 7. Ang pambansang pamahalaan ay nangunguna sa pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga programa para sa mga mamamayan. 8. Ang sangay na tagapagbatas ay nahahati sa dalawang kapulungan. 9. Ang pamahalaan ng Pilipinas ay siya ring tinatawag na pambansang pamahalaan. 10. Tinitiyak ng pambansang pamahalaan ang kapakanan ng mga mamamayan nito maging yaong mga nasa ibang bansa.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.