Ano ang kahulugan ng pamilya para sa inyo? May ilang taong naniniwalang ang isang pamilya’y tulad ng isang magandang kahong puno ng mga bagay na gusto nila: pagmamahal, katuwaan, pagkakaroon ng kasama (companionship) at iba pang magagandang bagay; isang kahong mabubuksan kailanma’t nais nila ng mga bagay na ito. Marahil, mas nakakatulad ng isang walang lamang kahon ang pamilya. Nagiging maganda at makabuluhan ito batay sa kung ano ang ginagawa rito ng mga tao. Kailangang sidlan muna ito ng laman ng mga tao bago may makuhang anuman mula rito. Kung nais natin ng pagmamahal at katuwaan sa ating mga pamilya, kailangang magtanim muna tayo ng pagmamahal, paglilingkod at paghikayat sa isa’t isa. Ang mga ito ang nagpapatigib sa kahon. Ang paglalabas ng higit sa isinilid natin ay magpapabasyo sa kahon sa malao’t madali.
Matatagpuan sa buong mundo ang maraming matatag na pamilya. Maaaring mayaman o mahirap sila. Maaaring iba-iba rin ang pagkakabuo nila, halimbawa:
isang ina, ama, at mga anak, o
isang ina na may isa o higit pang anak, o
mga lolo’t lolang kasama ng kanilang mga anak at apo, o
mag-asawang walang anak.
Matatatag na pamilya ang pundasyon ng lahat ng dakilang bansa. Tumutulong silang humubog ng mga taong nagiging katulad natin. Kung kailangan nating lumaking malulusog at maliligaya ang mga anak natin, mahalagang magkaroon tayo ng matatatag na pamilya.
Anim ang Katangiang Kailangan sa Pagbubuo ng Matatag na Pamilya
Para mapuno ang “kahon”, kailangang magkaroon ng sumusunod na katangian ang isang pamilya:
may pananagutan (komitment) sila sa isa’t isa;
nagpapakita ng pagpapahalaga;
may mabuting komunikasyon;
may panahong nagkakasama-sama sila;
sumusunod sa kanilang mga paniniwalang ispiritwal at umaayon sa kanilang mga pagpapahalaga;
nakakaagapay sa stress.
Pananagutan/Komitment
Makatutulong tayong lalong mapatatag ang pamilya sa pagkakaroon ng pananagutan sa isa’t isa, sa pagiging tapat, sa pagsasama-sama bilang isang pangkat, at sa pag-aalaga sa isa’t isa. Maraming paraan para maipakita ang pananagutan at mapanatiling ligtas, malusog at maligaya ang pamilya. Narito ang ilan:
Maging tapat sa inyong pamilya. Bawasan ang mga aktibidad sa labas at gumugol ng mas maraming oras sa piling nila.
Tuparin ang mga pangako sa ibang miyembro ng pamilya.
Sa puntong sekswal, maging tapat sa kapareha.
Maging maaasahan. Tumawag sa bahay kung mahuhuli ka ng uwi.
Tumawag at magsabing “mahal kita” kung naglakbay ka sa malayo.
Bumuo ng mga alaalang pampamilya. Magtago ng family album na may mga retrato at kuwento.
Kapag may problema, tumawag kaninuman, sa isang kamag-anak, kaibigan o isang tagapangalaga ng kalusugan*, para matulungan kayong harapin ito.
Ano pa ang ibang paraan para maipakita ninyo ang pananagutan?
Pagpapahalaga
Kapag ipinakikita natin ang pagpapahalaga sa pamamagitan ng mga salita at gawa, naipakikita natin sa ating pamilyang pinahahalagahan at itinatangi natin sila. Maiging isipin kung gaano natin pinahahalagahan ang iba. Ngunit, hindi nila malalaman ang nararamdaman natin hangga’t hindi natin sinasabi. Maraming pamilya ang may espesyal na pagtitipon kung Araw ng mga Ina o Araw ng mga Ama upang maipadama ang pagpapahalaga sa magulang. Maraming kultura ang nagdiriwang ng mga tanging araw para parangalan ang mga bata. Narito ang ilang ideya tungkol sa ibang paraan ng pagpapakita ng pagpapahalaga:
Sabihin sa isang miyembro ng pamilya na siya ’y mahal ninyo.
Magsabi ng anumang positibo sa bawat miyembro ng pamilya araw-araw.
Sorpresahin ang isang miyembro ng pamilya (halimbawa, isang ginawang kard) kahit na walang okasyon.
Dalasan ang pagyakap sa mga miyembro ng pamilya.
Hanapin ang mabuti sa bawat miyembro ng pamilya. Sabihin ito sa kanila.
Tulungan ang isang miyembro ng pamilya sa kanyang gawain ( pagliligpit, paglalaba, paghuhugas ng pinggan, atbp.)
Maglista ng 5 bagay na gusto ninyo sa isang miyembro ng pamilya. Ibigay ang listahan sa miyembrong iyon bilang isang regalo.
Pag-agapay
Dumaraan sa panahong nagkakaproblema ang pamilya. Magagamit nila ang problema para maging lalong matatag at malapit sa isa’t isa. Kung medyo babaguhin natin ang ating pag-iisip, makikita nating ang krisis ay isang oportunidad para maging matatag. Narito ang ilang bagay na maaaring subuking kung dumating ang problema.
Mag-isip ng anumang mabuti, gaano man kasama ang sitwasyon.
Humingi ng tulong sa sinumang dumaan na sa katulad na krisis (kamag-anak, kaibigan, kapitbahay), o humingi ng payo sa mga espesyalistang gaya ng sikolohista, abogado, o tagapangalaga ng kalusugan. Tumawag sa isang crisis hotline o minister. Makatutulong silang humanang ng tutulong sa inyo.
Matutong magsama-sama bilang isang pamilya. Sa pamamagitan ng pagsasama-sama. Maliligtasan ng pamilya ang kahit pinakamahirap na problema.
Tandaang ang anumang pagbabago sa buhay -- pagsilang ng isang anak, bagong trabaho o pagkataas sa tungkulin, kasal, kamatayan o pagreretiro--ay laging stressful.
Answers & Comments
Explanation:
it depends on you po magkwento kalang about sa family niyo:)