Questions


September 2022 1 1 Report
1. Maraming tao sa mga pasyalan gaya ng Osrox Park, Pospera Park sa Lungsod ng Ozamiz,

at iba pang pasyalan. Makikita rito ang ama’t ina na masayang sinusubaybayan ng mga

tingin ang mga naglalarong mga anak; ang magkakaibigan na masayang

nagkukwentuhan habang kumakain ng popcorn, mais, at anumang kutkutin; ang mga

mag-aaral na nag-eensayo ng sayaw. Iba-ibang tao na may iba’t ibang dahilan ng

pagtungo sa park o mga pasyalan lalo na sa araw ng Linggo.

Paksa : ____________________________________________________________________________

1. Isang bakasyon, sa likuran ng lumang bahay nina tatay sa probinsiya ng Misamis Occidental,

Munisipyo ng Jimenez, isang lumang barya ang aking nakita. Agad ko itong pinulot at

pagkatapos ay tumakbo ako kay Lola. Tinanong ko siya kung tama nga ang aking hinagap,

kung ito nga ay piso ng nakaraang lipunan. Mabilis ang tugon ni Lola, at sinabing iyon nga

ang piso noong kanilang panahon. May kabigatan, hindi gaya ng hitsura ng piso ngayon.

Paksa : ____________________________________________________________________________

3. Ang mga Tinggian ay katutubo ng Abra. Nagmula rin ang ilan sa kanila sa mga bundok ng

Ilocos Norte at Ilocos Sur. Bahay-kubo na gawa sa kawayan at pawid ang kanilang mga

bahay. Nagsasaka at nangangaso sila. Tinatatuan nila ang kanilang mga katawan. Mahilig

din sila sa musika. Ang Salidomay ay isang sikat na awit nila. Inaawit nila ito kasabay ang

gansa o gong.

Paksa : ____________________________________________________________________________

ARALIN 6 : Naibibigay ang paksa/layunin ng napakinggang kuwento /

usapan/talata, at pinanood na dokumentaryo, F5PN-Ic-g-7

F5PN-IIg-17 F5PD-IIf-13

GAWAIN 1

4. Kung pupunta ka sa Tipan, Sityo ng Stimson Abordo, Barangay ng Lungsod ng Ozamiz,

ihanda ang iyong sarili para sa mga pambihirang karanasan. Maliit ang sityo ng Tipan sa

Lungsod ng Ozamiz. Malayo sa urban na pamumuhay ang Tipan. Malayo sa

industriyalisasyon. Kaya kung nagnanais ka ng payapa, maaliwalas, liblib na lugar , may

sariwang ihip ng hangin, sariwang mga gulay at prutas, sa Tipan ka pumunta. Sa mga

tanawin naman, nariyan ang burol ng Hoyohoy ng Lungsod ng Tangub, sa paglubog ng

araw inaabangan ng mga turista dahil sa kakaiba nitong tanawin, ang nakamanghang

zipline, ATV riding, ang parang puting usok na ulap at ang nakapaligid na ilog, at iba pa.

Paksa : ____________________________________________________________________________

5. Mahalaga ang mga trekking shoes sa gagawing pamamasyal sa Tipan. Sa gagawin mong

pagtaas at pagbaba sa mga lalakarin, masusubok ang lakas at tibay lalo na’t kung sanay

ka sa lungsod na kahit malapit lang ang destinasyon ay sasakay ka pa. Sa Tipan mahaharap

ka sa paglalakad. Kapag bibili ka sa tindahan, lalakarin mo ito pababa, kung maghahanap

ka ng makakain, pupuntahan mo ito, pababa sa pamamagitan pa rin ng paglalakad.

Upang masulit mo ang malinis at sariwang hangin lalakarin mo ang pataas-pababang mga

kalsada. Kung nais mo ring pumitas ng sariwang mga bayabas, sa bukana lamang ang

iyong sasakyan at maglalakad ka ulit. Sa mga pakikipagsapalaran sa mga bangin, ibayong

tibay at lakas ng mga binti at paa ang kailangan mo sa paglalakad. Napakaesensiyal ng

paglalakad sa buhay ng tao. Nagpapalusog ito ng pangangatawan.

Paksa : ____________________________________________________________________________

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.