Tagumpay na Pinapangarap
ni Mary Grace B. Bangit
'Pagkat ang pangarap ay nais makamtan
Yakap ng pamilya ay tinalikuran
Upang hangad na medalya ay makamtan
Pagsasanay sa tuwina ang hinarap
Pagsuko ay di pumasok sa hinagap
'Pagkat sa isip napagkit ang pangarap
Para sa pamilya, bayang nililingap
Dumating din ang araw na hinihintay
Medalyang ginto ay nasungkit ngang tunay
Sa pamilya ganap na maiaalay
Katuparan ng minimithing tagumpay
Mga Gabay na Tanong:
1.Tungkol saan ang tulang nabasa?
2. Aling taludtod sa bawat saknong ang sumusuporta sa pangunahing kaisipan ng tula?
3. Ano ang kapansin-pansin sa bawat taludtod?
4. Magkakapareho ba ng bilang ng pantig sa bawat taludtod? Ilan ito?
5. Ano ang sinisimbolo ng medalya sa tula?
Answers & Comments
Answer:
1.Tungkol sa tagumpay ng ating mga pangarap
2.Medalyang ginto ay nasungkit ngang tunay
3.Magkakapareho ang mga bilang sa pantig sa bawat taludtod
4.Opo..4
5.Ang sinisimbolo ng medalya sa tula ay tagumpay
Explanation:
Sana makatulong:)
Good luck
Correct me if im wrong..