Questions


October 2022 1 4 Report
Tagtuyot ang hatid ng El Niño. Dahil dito, bumababa ang water level
at nagkukulang sa suplay ng tubig sa mga anyong tubig, gaya ng mga ilog
at batis. Nagkukulang din sa suplay ng tubig sa mga imbakan gaya ng La
Mesa Dam na matatagpuan sa Lungsod Quezon at Angat Dam sa Bulacan.
Ang mga ito ang pinagkukunan ng tubig sa Kamaynilaan at sa mga karatig
probinsya nito.
Malaki ang epektong dulot ng El Niño sa buhay ng tao. Kukulangin
ang suplay ng tubig na inumin, pati na rin ang gagamiting tubig para sa iba
pang pangangailangan.
Hindi lamang tao ang mahihirapan sa epekto ng tagtuyot. Kung kulang
ang tubig, magkakasakit ang mga hayop at maaari rin silang mamatay.
Ang tubig ay kailangan din ng mga halaman at kagubatan. Maraming
apektadong taniman kung kulang ang patubig. Dahil sa sobrang init, maaaring
mag-apoy ang mga puno na nagdudulot ng sunog.

Isang malaking tulong sa panahon ng El Niño ay ang pagtitipid ng tubig.
Iwasang aksayahin at gamitin ang tubig sa hindi mahahalagang bagay.

1. Ano ang nangyayari kapag may El Niño?
a. tagtuyo
b. red tide
c. ipu-ipo
d. bagyo

2. Maliban sa tao, ano-ano pa ang maaapektuhan sa El Niño?
a. hayop, halaman at gubat
b. hangin, lupa at buhangin
c. bato, semento at tubig
d. ulap, araw at bituin

3. Ano ang HINDI nagaganap kapag tagtuyot?
a. pag-ihip ng hangin
b. pag-ulan
c. pagdilim
d. pag-araw

4. Ano kaya ang nararamdaman ng mga tao kapag El Nino?
a. giniginaw
b. masigla
c. naiinitan
d. nanlalamig

5. Bakit kaya maaaring maraming magutom kapag tagtuyot?
a. Magkakasakit ang mga tao.
b. Tatamarin magluto ang mga tao.
c. Kukulangin ang tubig sa pagluluto.
d. Hindi makapagtatanim ang magsasaka.

6. Bakit kayang mahalaga na mabasa at maintindihan ang talatang ito?
a. para maiwasan ang pagkakaroon ng El Niño
b. para magtulungan sa pagtitipid ng tubig
c. para magkaroon ng lakas ng loob
d. para hindi maging handa sa tag-ulan

7. Ano ang HINDI nakasaad sa seleksyon?
a. ang dahilan ng El Nino
b. ang mga epekto ng El Nino
c. ang maaaring gawin kapag may El Nino
d. kung sino at ano ang apektado sa El Nino​​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.