Questions


August 2022 1 0 Report
PAGTATAYA (Mungkahing Oras: _________)

(Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at ikaanim na linggo)

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Sa realidad ng buhay, bilang ikaw at ang iyong sariling “pag-uugali”, papaano ka kikilos / magsasalita kung katulad

ni Ibarra, ay tahasan kang binabara ng isang Pari o may posisyon sa simbahan o relihiyosong organisasyon?

A. Magpapakatotoo at itatayo ang iyong niyuyurakang pagkatao

B. Tatapatan ang pagiging sarkastiko nito upang maiparamdam din sa kanya ang pagkapahiya na

ipinararanas

C. Manatiling mapagpakumbaba dahil may pinag-aralan kang tao

D. Huwag na lamang pansinin, bagkus ay umalis na lamang upang makaiwas.

2. Maraming kilalang mga kabataan ang hinahangaan ng mga katulad mong mag-aaral ang lantarang

nagpapahayag ng pagkagusto sa social media (tulad nina Alyza Valdez sa larangan ng pampalakasan, Robbie

Domingo na mahusay na mag-aaral sa ADMU na naging sikat dahil sa PBB, atbp). Bilang “ehemplong kabataan”

ano ang iyong gagawin sa pagpapahayag ng iyong masidhing paghanga sa kanila?

A. Katulad sa nabasa kong buod sa itaas, ay mananatiling pino ang aking kilos bagamat lubos akong

humahanga sa kaniya.

B. Tulad ng sa mga napapanood kong telenobelang Koreano, kung saan may laya ang mga babaeng

magpahayag ng saloobin nila sa kanilang hinahangaan.

C. Dahil may Gender and Equality rights na ngayon at bantad ako sa batas na ito, ay malaya ko ring

ipahahayag ang aking paghanga sa aking iniidolo at gagawin ko ito sa anomang paraang gusto ko.

D. Wala akong gagawin. Sasarilinin ko na lamang ito.

3. Si Kapitan Tiago ay larawan ng kulturang Pinoy na minana natin sa panahon pa ng pananakop ng mga Kastila.

Anong bantad na kaugaliaan ang malayang ipinamalas ng Kapitan sa buod ng mga kabanata ?

A. Siya ay marangya.

B. Isang kayabangang ipinakikita sa lahat ang kung anomang meron siyang ari-arian.

C. Magiliw at mapagbigay sa pakikitungo sa kanyang kapwa anomang antas sila nabibilang.

D. Paghahanda ng marangya para sa lahat ng dadalo.

4. Sa ugali namang ipinamalas ni Padre Damaso, kung saan, hayagan niyang ipinaaabot ang matindi niyang disgusto

sa desisyon ng Gobernador, Kanino mo madalas nakikita ito sa kasalukuyan?

A. Sa pamahalaan / pulitiko

B. Sa mga mamamayan

C. Pahayagan / social media

D. Sa media / tagapagbalita

5. Alin sa mga sumusunod na kaganapan sa nobelang 1-3 ang kondisyong nagaganap pa rin sa kasalukuyan?

a. Social climbing

b. Patalbugan sa posisyon at estado ng buhay

c. Kahirapan at kagutuman

d. Pagiging Malayang magsalita ng mga nakatatanda​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.