t. Isulat ang tama kung ang ipinapahayag sa bawat pangungusap ay nagpapakita ng paggalang Sa iba sa oras ng pag-aaral, nagsasalita nagpapaliwanag. Isulat naman ang mali kung hindi nagpapakita ng paggalang. Sagot na lamang ang isulat sa iyong sagutang papel. lama 11. Nakikinig nang mabuti si Marisa sa panuto na pinapaliwanag ng kaniyang guro. Mali_12. Madalas nagkukuwentuhan sina Carmen at Donna sa loob ng simbahan sa tuwing sila ay nagsisimba. 13. Hinihintay muna ni Jessica na matapos manood ng balita ang kaniyang ate bago niya inililipat sa ibang palabas dahil alam niya na mahalaga ito sa kaniyang takdang- aralin. 14. Kahit hindi nagugustuhan ni Rafael ang kinukuwento ng kaniyang kaibigan, patuloy pa rin siyang nakikinig dito. 15. Tumatambay lagi si Arman sa harap ng silid-aralan ng kaniyang kuya sa oras ng klase. 16. Ang hiniram na gamit ni Lucy ay ibinalik niya nang tahimik kay Gemma dahil nakikita niyang nag-aaral ito para sa susunod na aralin. 17. Nagsasalita sa ibabaw ng entablado ang punong-guro nila Elena kaya hindi siya gumagawa ng ingay na makagagambala sa pagsasalita nito. 18. Hindi nakikinig si Sandra sa tuwing pagsasabihan siya ng kaniyang inay tungkol sa ginawa niyang pagkakamali. 19. Naglalakad nang tahimik at marahan si Rico sa pasilyo ng silid-aralan upang hindi siya makaabala kapag may nagkaklase. 20. Nakaugalian na ng pamilya ni Janet ang pakikinig sa isa't isa sa tuwing may nagsasalita.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.