Questions


November 2022 1 1 Report

Susi sa Hiwaga ng Lupa?
ni Lucila M. Morete


Maghapong abala si Aling Marina sa pag-aasikaso sa mga gawaing bahay. Di niya namalayang hapon na pala, hinanap niya ang mga anak upang sama-samang maghapunan. Nakaugalian na kasi sa kanila na sama- samang kumakain at nananalangin sa Diyos kaakibat ang pagpapasalamat sa mga biyayang tinatanggap.
“Mara! Mika! Mimi! Mario! Nasaan na ba kayo?” Tawag ni Aling Marina sa mga anak. “Naku! Nakita ko sila sa plaza kanina lamang ngunit mukhang matamlay ang mga anak mo ngayon,” paliwanag ni Aling Maring

na kapitbahay niya. Dali-daling pinuntahan ni Aling Marina ang mga anak sa plaza. Nakita nga niya sila na tahimik lamang na nanood sa mga batang naglaro roon. “Bakit kayo nakaupo lang diyan mga anak, akala ko ba maglalaro kayo?” Tanong niya sa kanila. “Eh, kasi matamlay po ang
pakiramdam namin Inay wala po kaming ganang maglaro ngayon.” “Aba kailangan laging masigla ang katawan mga anak, gusto n’yo bang maging masigla, matalino at malakas? Sige may ikuwento ako sa inyo, pero bago iyon uuwi muna tayo dahil nagdidilim na.”
Pagdating sa bahay ay nagsimulang magkuwento ang ina. Isang araw, sa napakalawak na kaharian ng mga puno’t halaman nagkaroon ng paligsahan tungkol sa kung sino ba ang pinakamasustansyang gulay o prutas sa kanilang
lahat. Nang lumaon ang paligsahan, ang magkakaibigang Mangga, Pinya, Bayabas, Ampalaya at Sili ang natitira sa labanan. Bawat isa sa kanila ay nagbibigay.

Sili: “Lubos akong natutuwa, kasi kahit ako’y maanghang ay may pakinabang naman. Tumutulong ako upang mapanatiling malusog at masigla ang mga ugat ng taong nakikinabang sa akin.”

Ampalaya: “Ganoon din ako kaibigang Sili! kahit mapait ang lasa ko, mabuting tulong ako pantunaw sa karneng kinakain ng mga taong nakikinabang sa akin.”

Pinya: “Kami rin ni Bayabas at Pinya! Matamis man o maasim, kami’y nagbibigay din ng bitamina C panlaban sa sakit sa mga taong nakikinabang sa amin.”

Mangga: “Mas lalo naman ako mga kaibigan!” Ako’y isang malaking puno, ang mga ugat ko’y nakararating sa kaila-ilaliman ng lupa.” Nasisipsip ko ang iba’t ibang bitamina at mga mineral na kailangan ng tao nang higit sa kakayahan ninyo!”

Santol: “Ang lupa ay mahiwaga! Ito ay may iba’t ibang mga sangkap na tayo lamang ang makakakuha nito. Sa lupa nagmumula ang mga bitamina at mga mineral na ibinibigay natin sa tao. Tayo, bilang mga halaman at puno ay susi lamang.”

Mangga: “Kung nais ng tao ang maasim si Kalamansi ang susi para makuha niya ang asim sa lupa. Kung nais niya ng maanghang si Sili naman ang susi ng anghang. Ang gulay ay para sa mga mahihina! Tayo ay may

kani-kaniyang katangiang bigay ng Maykapal ayon sa kasukatang ipinagkaloob sa atin.”

“Ganoon po ba Inay?”, sabay-sabay na sagot ng mga anak. “Kailangan pala nating kumain ng prutas at gulay araw-araw.” “Oo anak, kailangan din natin ng wastong pangangalaga sa lupa. Lagi nating tatandaan na ang lupa ay mahiwaga, ang prutas at gulay ang susi para makamtan natin ang mga bitamina at mineral na kinakailangan ng ating katawan,” paliwanag ng kanilang Ina.

“Oh siya, tama na muna ang pakikinig, maghapunan na muna tayo. “Ano pong ulam natin ngayon Inay?” Tanong ng mga anak. “Ano pa! eh di ang susi ng kalusugan!” Nagtawanan ang lahat, masaya nilang napakinggan ang kuwento ng ina at nalaman nila kung ano ang susi upang lumaking malusog at matalino.

Pag-unawa sa Binasa:
Ano ang susing binanggit sa kuwento?
Bakit kailangan natin ang mga susing ito?
Bakit susi ang tawag sa mga prutas at gulay ayon sa kuwento?
Anong uring kuwento ang binasa? (a.kathang-isip b. di-kathang- isip) Bakit?
Ano ang ibig sabihin ng tekstong kathang-isip at di-kathang-isip?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.