Suriin Unawain at pagnilayan ang sumusunod na babasahin. Magkaroon ng masayang pag-aaral at ikintal sa isip at puso ang mga hatid na mensahe. Simulan na at kayang-kaya mo yan! Sa pamamagitan ng positibong pag-iisip, mapatataas mo ang iyong tiwala sa sarili at magkakaroon ka ng positibong pananaw at damdamin tungkol sa iyong sarili. Makatutulong sa iyo ang sumusunod: a. Hayaang mangibabaw ang iyong mga kalakasan Mag-isip ng positibo sa lahat ng iyong mga ginagawa at purihin ang sarili dahil sa iyong pagsisikap. Hindi ito nangangahulugan na hindi mo na bibigyan ng tuon ang iyong kahinaan, ngunit hindi nararapat na malimitahan ng iyong mga kahinaan ang iyong mga kalakasan. b. Huwag matakot na harapin ang mga bagong hamon. Ang mga bagong hamon ay pagkakataon upang iyong mapataas ang tiwala sa sarili. Hindi mo nararapat isipin ang takot ng pagkabigo o ang tagumpay ng pagwawagi Isipin mo na lamang na sa tuwing may gagawin kang bago: (I) nabibigyan ka ng pagkakataon na magsikap upang matamo ang tagumpay, (2) napatataas mo ang iyong tiwala sa sarili, at (3) mas nakikilala at natatanggap mo ang iyong sarili. c. Palaging maging positibo sa iyong mga pag-iisip. Lahat ng mga karanasan, positibo man o hindi, ay may mabuting ibubunga tungo sa pag-unlad ng iyong pagkatao. Palaging ipaalala sa sarili na hindi mo man kayang gawin ang lahat ng bagay nang perpekto, makatutulong naman ang mga ito upang unti-unting umunlad ang iyong pananaw sa bawat araw. d. Isipin mo ang iyong mga kakayahan para sa iyong sarili: huwag palaging umasa sa opinyon ng ibang tao, lalo na ang pagtataya sa iyong mga kabiguan at tagumpay. Mas makatutulong kung mapauunlad mo ang iyong kakayahan sa pagsusuri at pagtataya ng iyong sarili. Isa itong malaking hakbang sa pagpapataas ng iyong tiwala sa sarili.




pahelp po sensya napo medyo mahaba ... ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.