Questions


August 2022 2 3 Report
Suriin Natin Panuto: Suriing mabuti ang bawat pahayag at isulat ang tititk ng tamang sagot sa papel

1. Natututuhan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa: a. Pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at masunurin. b. Pagsangguni sa mga taong kapalagayan niya ng loob at nakauunawa sa kaniya. c. Pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa paggalang at pagsunod. d. Pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakatatanda.

2. Paano mo mas higit na maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad? a. Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay maging kaaya-aya para sa iyo. b. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali . c. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran. d. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa.

3. Hinahangaan ni Jay si Danny sa taglay niyang kagalingan sa pamumuno. Nang si Danny ang naging lider ng kanilang grupo, lahat ng sabihin ni Danny ay kaniyang sinisunod at ginagawa nang walang pagtutol kahit pa minsan ay napapabayaan na niya ang kaniyang sariling pangangailangan. Ang kilos ni Jay ay nagpapakita ng a. Pagpapasakop b. Pagsunod c. Katarungan d. Kasipagan

4. Maraming balita tungkol sa mga taong may awtoridad ang kinakitaan mo ng mga gawaing taliwas sa dapat nilang gampanan. Maraming kabataang tulad mo ang nagkaroon ng pag-aalinlangan kung sila ay magpapakita pa ng paggalang at pagsunod. Ano ang pinakamabuting maipapayo mo sa kanila? a. Ipagbigay-alam agad sa kinauukulan ang nasasaksihang paglabag sa batas. Hindi makatarungan na ang nagpapatupad sa batas ay siyang lumalabag dito b. Mahirap kumilos nang may pag-aalinlangan. Sumangguni sa ibang may awtoridad na nabubuhay nang mabuti at kumilos ayon sa iyong kilos-loob c. Alamin ang mga batas na nararapat sundin at mga karapatang dapat ipaglaban Gawin kung ano ang inaasahan sa iyo ng iyong kapuwa d. Unawain at patawarin ang mga taong may awtoridad na nakagawa ng pagkakamali lalo kung hindi naman ikaw ang naapektuhan.

5. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa pamilya? a. Nabubuklod nito ang mga henerasyon. b. Napagtitibay nito ang presensiya ng pamilya. c. Naipapapatuloy nito ang tradisyon ng pamilya. d. Naiingatan nito ang pamilya laban sa panganib.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.