Suriin Natin Panuto: Basahin ang usapan sa pulong sa ibaba at sagutin ang mga tanong. Samahan ng mga Magsasaka sa Barangay Bangkal Suliranin ng mga Magsasaka Pebrero 11, 2021 Dan: Upang pormal na simulan ang ating pagpupulong, lahat ay tumayo para sa panalangin sa pamumuno ni Ginoong Lopez. Dan: Maaari na po kayong maupo. Ginoong Rodriguez pakilista po ang lahat ng dumalo sa pagpupulong. G.Rodriguez: Ang mga dumalo ay labing isa (11) at ang hindi dumalo ay tatlo(3) Glen: Ngayon ay opisyal na magsisimula ang ating pagpupulong sa oras na 8:30 ng umaga. Dan: Glen, Maaari na po ninyong basahin ang katitikan ng nakaraang pulong upang mapagtibay natin. May tututol ba sa nakaraang katitikan ng pulong? Ben: Walang pong tumutol. Iminumungkahi ko po na pagtibayin ang nakaraang katitikan ng pulong. Glen: Pinapangalawahan ko po ang mosyon. Dan: Simulan na natin ang ating pulong.Ang pag- uusapan natin ngayon ay paano malulutas ang suliranin ng mga magsasaka. Inisa-isa ang mga suliranin.Mula sa suliraning nabanggit ang mga solusyong iminungkahi ay maingat na pinadesisyunan at napag-usapan ng lahat. Natapos ang pulong sa ganap na 10:30 ng umaga. Gawain 1 Panuto: Sagutin ang mga tanong. 1. Tungkol saan ang pulong? _____________________________________________________________ 2. Paano nagsimula ang pulong? _____________________________________________________________ 3. Ilan ang dumalo sa pulong? _____________________________________________________________ 4. Ano ang paksang napag-usapan sa pulong? _____________________________________________________________ 5. Anong mga pormal na pananalita ang ginamit sa pulong? ____________________________________________________________
Answers & Comments
Answer:
1. samahan ng magsasaka sa barangay bangkalat suliranin ng mga magsasaka.
2. nagsimula ang pagpupulong sa pamamagitan ng pagdadasal.
3. labing isa (11).
4. paano malulutas ang suliranin ng mga magsasaka.
5. Ginoong, opisyal, suliranin