Suriin Basahing mabuti ang ipinapahayag sa bawat pangungusap upang labis pang maunawaan ang paksang ating tinalakay Gawain I. Panuto: Isulat sa patlang bago ang bilang ang salitang TAMA kung ang pahayag ay nagsasabi ng katotohanan. At kung mall, salungguhitan ang salita sa pahayag na nagpapamali rito at isulat naman sa patlang ang salitang magpapawasto nito. 1. Sa pagbuo ng makabuluhang tanong, hindi dapat maging maligoy ang gagamiting mga salita bagkus direkta sa puntong nais ipahayag. 2. Mahalagang matutuhan ang kasanayan sa pakikinig dahil dito nakakukuha tayo ng mga tsismis na magagamit sa pagkatuto. 3. Ang balagtasan ay isang uri ng pagtatalo sa paraang pakanta tungkol sa isang paksa 4. Ang unang balagtasang itinanghal sa Pilipinas ay ang Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan. 5. Pinakakaunti na ang limang kalahok na maaaring magtanghal ng balagtasan sa isang entablado. 6. Rosas ang uri ng bulaklak na pinag-aagawan nina Bubuyog at Paru- paro sa balagtasang itinanghal nina Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes, 7. Ang mga tagapakinig ang magbibigay ng hatol kung sino sa mga kalahok ang nanalo sa isinagawang balagtasan. 8. Ang pakikinig ay tumutukoy sa paraan ng pag-unawa sa sinasabi ng taong kinakausap o nagsasalita. 9. Sa pakikinig ipinagbabawal ang pagtatala dahil maaaring hindi makasunod sa sinasabi ng tagapagsalita. 10. Masasabing makabuluhan ang tanong kapag ito ay importante, may saysay at kakwenta-kwenta. 0​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.