Questions


August 2022 1 2 Report
Suriin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa binasang buod sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-10 sa loob ng kahon.
( )Nabalam si Basilio sa kaniyang pag-uwi sa tahanan ni Kapitan Tiyago dahil nahuli ang kutserong si Sinong sa iba’t-ibang paglabag nito sa batas. Nadakip, dinala at sinaktan ang kutsero sa kuwartel kaya naglakad na lamang si Basilio. ( )Naghugas – kamay ang mga taong may kasalanan sa masasakit at mapapait na nangyari sa buhay ni Kabesang Tales. ( )Binalikan ni Basilio ang puntod ng ina at muli niyang nagunita ang masaklap na nangyari sa kanilang buhay.
( )Pasko nang umalis si Juli upang manilbihan at nang mapunan ang kulang sa salaping pantubos sa mga tulisang bumihag sa amang si Tales.
( )Nagdatingan at naglabas ng natatagong salapi ang mga Taga -Tiani at taga – San Diego upang bumili ng mga mamahaling alahas kay Simoun gayong ang iba ay halos walang naani sa sakahan.
( )Sa dating lupain ng mga Ibarra na pag-aari na ni Kapitan Tiyago ay natuklasan ni Basilio ang lihim ni Simoun. Gayong ito ay iginagalang at kinikilalang malapit sa Kapitan Heneral ay nalaman niyang nangungumbinsi pala ito ng mga taong mapapabilang sa inoorganisa niyang himagsikan.
( )Masipag at mapayapang mamamayan si Kabesang Tales subalit naging marahas at napilitan pang kumitil ng buhay, nagawa pang pumatay nang mawala ang lahat sa kanya dahil sa kawalang katarungang natamo niya at ng kanyang pamilya.
( )Masayang naghuhuntahan ang matataas at kilalang tao ng lipunan sa itaas ng Bapor Tabo.
( )Makasaysayan ang Ilog Pasig dahil iba’t-ibang kuwento ang narinig dito ng mga pasahero mula sa kapitan ng barko, Padre Salvi, at Padre Florentino.
( )Hindi alintana ng mga pasaheho ang init, siksikan, ingay at iba pang kaguluhan sa ibaba ng barko kaya nakapag-usap pa ng masinsinan ang magkaibigang Basilio at Isagani. ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.