Suriin Ang karunungang-bayan ay sumibol sa Panahon ng Katutubo. Ito ay mga karunungang hindi napag-aralan sa mga aklat kundi sa mga aklat ng karanasang nababasa sa bibig ng mga matatanda. Ginagamit ito bilang patnubay sa buhay lalo na sa wastong kilos at asal. KARUNUNGANG-BAYAN (Salawikain, Sawikain, Kasabihan) A) Ang Salawikain- ay karaniwang patalinghaga na may kahulugang nakatago. Ito ay karaniwang nasusulat ng may sukat at tugma kaya masarap pakinggan kapag binibigkas. Ginagamit ito noon ng matatanda kapag sila ay nangangaral Mga Halimbawa: Pag makitid ang kumot Mahalagang kaisipan Tayo ay dapat magtipid at mamuhay nang naaayon Sa ating kakayahan at kalagayan sa buhay. Magtiis kang mamaluktot B.) Ang Sawikain ay tinatawag ding kawikaan o pagtatambis. Ito ay isang paraan ng pagsasalita na hindi gumagamit ng mararahas na salita upang maiwasan ang makasakit ng loob. Samakatuwid, ito'y mga salitang eupemistiko, patayutay o idyomatiko na ginagamit upnng maging maganda ang paraan ng pagpapahayag. Mga Halimbawa Balitang-kutsero Mahalagang kaisipan Maling balita o hindi totoong balita DO C.) Ang Kasabihan- ay iba sa salawikain sa dahilang ito'y hindi gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang kahulugan. Ang kilos, ugali at gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga kasabihan. Mga Halimbawa Utos na sa pusa Utos pa sa daga Mahalagang kaisipan Ang klase ng taong palautos sa kapwa​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.