Suriin 1 I Alam mo na ba? Ang balagtasan ay isang pagtatalong patula na isinilang noong Panahon ng mga Amerikano. Maituturing itong higit na sopistikado kaysa karaniwang debate. Sa karaniwang pagtatalo, madaling nakakapagsalita ang isang kalahok dahil tuloy-tuloy na pangungusap lamang ang kaniyang gamit. Inaasahan din na ang mga lalahok dito ay gagamit ng piling salita na masining at matalinghaga at hinanay ng patula (sukat, tugma, at indayog). Ang mga sumusunod naman ay ang mga mahahalagang tauhan na bumubuo sa isang balagtasan:
1. Lakandiwa - siya ang nagpapakilala ng paksang pagtatalunan. Siya rin ang namamagitan sa magkatunggaling panig at nagbibigay ng hatol kung sino ang nagwagi.
2. Mga Mambabalagtas - sila ang mga makatang nagtatalo sa balagtasan. Layunin ng mambabalagtas na mag-isip at sumulat ng mga makabuluhang argumento at higit sa lahat ay mahikayat ang mga manonood.
3. Mga Manonood - sila ang sumasaksi sa balagtasan. Inaasahan na sila ay makikinig ng may panuring pag-isip upang kanilang mapalalim ang kanilang kamulatan ukol sa isyu na pinagtatalunan. Sukatan din ang kanilang palakpak at hiyawan upang malaman kung sino ang kanilang pinapanigan. Ngayong nabasa mo na ang kahulugan ng balagtasan at ang mahahalagang tauhan nito, nais kong malaman kung ano ang iyong nauwaan ukol dito. an BALAGTASAN
3 answer po
1 2 3
Answers & Comments
Answer:
Naunawaan ko na ang LAKANDIWA ang nagbubukas sa balagtasan. Siya ang nagpapakilala sa dalawang magkatunggali at siya rin ang nagsasabi sa kung sino ang nagwagi sa paligsahang ito. Naunawaan ko ring tinatawag naman na MAMBABALAGTAS ang dalawang magtatalonsa Balagtasan, sila ay magbabatuhan ng kanilang mga opinyon at argumento patungkol sa kanilang isyung pagtataluhan.
Natalos ng aking isipan na ang balagtasan ay katulad din ng debate na kung saan magpapatalasan ng bibig ang dalawang magkatunggali. Magbabatuhan sila ng kanilang mga linya upang suportahan ang kanilang mga paniniwala.
Malalalim at matatalinhagang mga salita ng ginagamit ng mga mambabalagtas dito, sa katunayan maaari ring paanyong patula.
Naintindihan kong ang Balagtasan ay nagsimula pa sa panahon ng mga Amerikano. Nakatutuwa na magpahanggang ngayon ay pinapahalagahan pa rin ng ating bansa ang mga kulturang ito.
- ^^