Questions


January 2023 1 10 Report
Sundin ang legend na sumusunod sa pagsagot ayon sa kaangkupan sa iyo
ng mga sumusunod na aytem.

Legend: 4 - Palagi
3 - Madalas
2 - Paminsan-minsan
1- Bihira
0 - Hindi

a. 1. Ako ay may kakayahan sa pagkukuwenta, gumawa ng kalkulasyon
at lumutas ng mga problemang abstract.
2. Madali kong makita ang relasyon at koneksyon at gumamit ng
simbolikong pag- iisip at sunod-sunod na kasanayan sa
pangangatwiran.

b. 3. Natutuwa akong magkumpleto ng crossword puzzle na may salita sa
bokabularyo.
4. May talino ako sa paggawa ng spoken poetry.

c. 5. Madali kong maalala ang mga bagay kung inilalarawan ko ang mga
iyon sa aking isip.
6. Mas madali kong maunawaan ang pinag-aaralan kung may nakikita
akong mga larawan at mga talahanayan.

d. 7. Mas natatandaan ko ang aking minememorya kung nilalagyan ko ng
ritmo o tono.
8. Mahilig akong makinig ng mga awitin sa radyo kahit ano ang aking
ginagawa.

e. 9. May kawastuhan ako sa pagkontrol sa paggalaw ng aking katawan
at madalas akong sumali sa mga larong panlabas o outdoor games.
10. May kapasidad akong manipulahin ang mga bagay, gamit o tools
gaya ng lagare upang lumikha ng produkto.

f. 11. May kakayahan ako na kilalanin at maiuri ang halaman at mga
hayop at iba pang bagay sa kalikasan.
12. Mahilig ako sa pagmamasid sa mga bagay na may buhay at mga
natural na pangyayari sa aking kapaligiran.

g. 13. May kakayahan akong magkaroon ng kamalayan sa sarili at
umayon sa mga panloob na damdamin, halaga at proseso ng pagiisip.
14. Hindi lang malalim ang pang-unawa ko sa sarili,nauunawaan ko
ang iniisip ng iba sa aking pagninilay at nagagamit ko ang
kaalamang iyon sa pagpaplano ng direksyon ng buhay.

h.15. May kakayahan akong tumugon nang naaangkop sa mga mood,
pagganyak at kagustuhan ng iba kaya marami akong kaibigan.
16. Masaya akong nakikipagtulungan upang gumawa bilang bahagi
ng isang pangkat.

i. 17. May kakayahan akong maunawaan ang malalim na katanungan
tungkol sa kahulugan ng buhay.
18. Malalim ang aking ispiritualidad at mahalaga sa akin ang
relihiyon.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.