rubyalegre3024
Oh! Kaawa-awang buhay ko sa iba Mula at sapol ay gumiliw-giliw na, Nguni’t magpangayon ang wakas ay di pa Nagkamit ng tungkol pangalang ginhawa. Ano’t ang ganti mong pagbayad sa akin, Ang ako’y umasa’t panasa-nasain, At inilagak mong sabing nahabilin, Sa langit ang awa saka ko na hintin!
Answers & Comments
Answer:
Ang pag-ibig ay may pagsubok na kasama
Kaya dapat nating mag-ingat, upang ‘di mapasama
Dapat harapin ang mga problema ng magkasama
Upang malutas ng may dalang saya
Magmahalan ng tunay at ‘di nagiiwanan
At magkakaroon ng masiglang pagmamahalan
Walang ibang ihahandog kundi ang puso
Upang ang relasyon ay ‘di magtapos
Paghihirap at sakripisyo ang dala
Ngunit nalulutas dapat ng magkasama
Malalampasan ito ng may ramdam na saya
At mayroong kasabikan na nadarama
Dapat magmahalan kasama ang Diyos Ama
Upang mabiyayaan ng walang hanggang saya
Mabibigyan ng pang-habang buhay na kasama
At magdidiwang ng magkasama.
Hope it helps!
Mula at sapol ay gumiliw-giliw na,
Nguni’t magpangayon ang wakas ay di pa
Nagkamit ng tungkol pangalang ginhawa.
Ano’t ang ganti mong pagbayad sa akin,
Ang ako’y umasa’t panasa-nasain,
At inilagak mong sabing nahabilin,
Sa langit ang awa saka ko na hintin!